Saturday , January 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mark Neumann, enjoy sa pagiging financial adviser; Pamamahala ng Bioessence, inilipat na sa mga anak
Mark Neumann, enjoy sa pagiging financial adviser; Pamamahala ng Bioessence, inilipat na sa mga anak

Mark Neumann, enjoy sa pagiging financial adviser; Pamamahala ng Bioessence, inilipat na sa mga anak

KAYA pala hindi na masyadong active si Mark Neumann sa showbiz, may bago na pala siyang career, ang pagiging Financial Adviser ngunit iginiit niyang hindi naman niya iiwan ang pag-arte.

“I’m a licensed financial adviser now,” anito nang makausap namin sa 25th anniversary ng Bioessence na ginawa sa Cities Events place kamakailan.

“Mayroon kasing thinking na spend first, then kung ano ‘yung matira, ‘yun lang ang papasok sa savings. But it should be the other way around,” giit niya. “Dapat save first, then spend only if necessary. The things you buy are those needed and not simply wanted.”

Sinabi pa ni Mark na hindi niya iiwan ang showbiz. ”Kung kaya naman po pagsabayin ‘di ba? I mean, kung may ialok na role, why not? Iba rin lang talaga ‘yung may iba kang ginagawa bukod sa pag-arte.”

Samantala, naikuwento rin man ni Mark na may fiancée na siya kaya naman akala nami’y magpapakasal na siya. Hindi  pa pala kundi iyon lamang ang gusto niyang itawag sa kanyang girlfriend na si  Maffy.

Nilinaw niyang hindi pa sila kasal ni Maffy dahil may mga papeles pa siyang hinihintay mula sa Germany. ”Hindi pa (kasal), if ever bakit ko po itatago, of course I will be proud of my wife, pero hindi pa nga po kasi may mga papers pang inaayos, like ‘yung civil registry nandoon pa po kasi 10 years akong hindi nakabalik sa Germany so need ko ‘yung papers o cenomar doon to prove na wala akong asawa roon.”

Pero hindi naman itinanggi ni Mark na live-in na sila ni Maffy sa Lemery, Batangas at lumuluwas lang sila kung kinakailangan.

“Sa bahay po ng lola ko kami nakatira, pamana po ng lola ko, since wala na siya kami na po ang nakatira roon,” ani Mark.

Simpleng babae si Maffy at marami silang napagkakasunduan, ani Mark.

“We have a lot in common when it comes to hobbies, views in life. Sobrang compatible po kami, Archer din po siya, hilig ko rin po ng archery so nag-swak kami. Marami kaming sports in common kaya ako na-in love po sa kanya,” giit ng aktor.

Sa kabilang banda, natuwa si Mark nang naimbitahan siya ni Dra. Emma Guerrerro at anak nitong si Joseph Feliciano sa 25th anniversary ng Bioessence dahil gusto rin niyang subukan ang services nito.

Samantala, ipinasa na ni Dr. Emma ang pamamahala ng Bioessence sa dalawa niyang anak.

Ani Dr. Emma, ”It’s a big blessings na nakarating kami ng 25 years. It’s also a blessings na my kids are into the business and I’m looking forward na mukhang matagal-tagal pa ang business namin dahil my kids will take over the business so, medyo my future tayo.

“Hindi ko naman ini-impose sa kanila na sila ang magpatakbo, mahilig lang talaga sila sa negosyo. Kahit ano nga eh.”

Nilinaw naman ni Joseph na mahilig naman talaga silang magkapatid sa negosyo. ”Me and my sister naman handle our own businesses as well pero we always go back to Bio and we always make sure to improve Bio because it’s her (Dr. Emma) legacy that we want to protect. As we build our own (business). We wan’t to cement her legacy as well para hindi masayang ang pinaghirapan niya.

“I saw how she took care of all the people, kung ano ang naibalik niyon sa kanya because all our staff, we have our staff na with us for so many years na marami, nga more than 25 years na. I feel they’re love for us and for the company kaya they stayed with us for so long. And that’s something I also want to have with the businesses I have.”

Ano nga ba ang sikreto ng Bioessence at binabalik-balikan sila.

Ani Dr. Emma, “Napansin ko na nag-eenjoy sila na nasa clinic o spa  sila. Loyal sila. Hindi nga nila ako nakikita eh. Kasi when I went to Davao hindi ako humaharap sa client kasi iniisip ko na dapat maayos ang lahat ng pangangailangan nila para mas maganda pa kaya hanggang ngayon maayos pa rin. Lahat ng needs ng mga nagpupunta sa clinic namin andoon na.”

Sinabi rin ni doktora na bagamat kumukuha sila ng celebrity endorsers ayaw niyang sa mga ito ang focus dahil, ”We’re the pioneer in putting a clinic in the mall and also the billboard. Actually, Dina Bonnevie is one of the first endorsers of us. Naisip ko paano papansinin ang billboard kung hindi celebrity ang nakalagay doon. But then after 15 years I decided to stop all the celebrity and try to work on with them.”

Sa ngayon, ang Bioessence ang itinuturing na premium skin at body wellness center na idinisenyo para maibigay ang kompletong non-evasive services na tumutulong irejuvenate ang skin, body at mind. At sa loob ng 25 taon na pananagumpay nito, nadagdagan pa ng 32 branches nationwide ang kanilang clinic.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top