Wednesday , November 5 2025

Walang contingency plan… Duterte galit sa kapalpakan ng PHISGOC (Tsibog sa SEA Games ikinairita ng Palasyo)

GALIT si Pangulong Rodrigo Duterte sa sablay na organizers ng 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Ito ang nabatid kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kahapon.

Ang Philippine South­east Asian Games Organizing committee (Phisgoc), isang founda­tion na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Caye­tano, ang organizer ng SEA Games na idinaraos sa bansa.

Ayon kay Panelo, galit at desmayado ang Pangulo sa mga kapal­pakang nagaganap sa SEA Games.

Para aniya sa pangu­lo, dapat ay ginawan agad ng paraan ng organizer ang mga aberya upang hindi ito naging dahilan ng mga alingas­ngas.

Ani Panelo, dapat ay may fallback ang mga organizer lalo sa pag­sundo sa mga atleta para hindi maghintay nang ilang oras sa airport.

Bagaman hindi aniya maiiwasan ang mga gani­tong sablay, puwede naman aniya itong maa­gapan, kung sa simula pa lamang ay mayroon nang con­tingency measures.

Aniya, hindi dapat hinahayaan ng organizer na masira ang imahen ng bansa dahil lamang sa mga ganitong uri ng sablay, lalo’t hindi la­mang mga Filipino ang nakamasid dito kundi ang buong mundo.

ni ROSE NOVENARIO

TSIBOG
SA SEA GAMES
IKINAIRITA
NG PALASYO

NAIRITA ang Palasyo sa inihaing pagkain sa mga atleta sa 30th Southeast Asian Games na idinaraos sa bansa.

Kinalampag ni Pre­sidential Spokesman Sal­va­dor Panelo ang Philip­pine Southeast Asian Games Organizing Com­mittee (PHISGOC), orga­nizer ng SEA Games,  hing­gil sa klase ng pag­trato sa mga dayuhang atleta at kanilang dele­gasyon.

Sinabi ni Panelo, hindi niya maintindihan kung bakit tila tinitipid ang pag­kain ng mga manlala­ro.

Iginiit ni Panelo na pantawid gutom lamang ang kikiam at nilagang itlog na inihain sa mga dayuhang atleta.

“Hindi ko nga mala­man e. Kinakain lang ‘yun kapag medyo wala ka nang makain,” sabi niya.

Ayon kay Panelo, ang ganitong uri ng pagkain ay hindi angkop sa kaila­ngang nutrisyon ng mga atleta.

Dahil dito, pinag­sabi­han ni Panelo ang PHISGOC na ‘wag na­mang matulog sa pansi­tan dahil karangalan at imahen ng bansa ang nakataya rito sa mata ng buong mundo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …