Saturday , January 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Halikan nina aktor at aktres, ‘di na pansin ng bashers; career, hilahod na rin
Halikan nina aktor at aktres, ‘di na pansin ng bashers; career, hilahod na rin

Halikan nina aktor at aktres, ‘di na pansin ng bashers; career, hilahod na rin

KAHIT na naghahalikan pa sa kanilang mga picture at video sa internet, hindi na pinapansin ng dati nilang mga basher ang mag-syota. Mukhang wala na ring gana ang mga basher, kasi hindi naman sumikat ang love team nila kahit na tunay silang magsyota, at mukha ngang mas bumagsak pa ang kanilang individual careers.

Mas nakatatakot iyang hindi na sila pinapansin. Iyong boy, talagang lahat ng pelikula naghilahod sa takilya. Iyong girl, hindi rin naman malakas ang last movie. Kung ganyan iyan, aba eh wala na ngang papansin sa kanila kahit na ano pa ang gawin nilang display sa internet.

Dapat nga siguro na tumigil na sila at magpakasal na lang, tutal puwede na silang mag-asawa, wala na rin lang pag-asa ang kanilang career.

Hindi ba Tita Maricris?  (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top