Saturday , August 8 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Elrey Binoe, puwedeng isabak sa drama at action movie
Elrey Binoe, puwedeng isabak sa drama at action movie

Elrey Binoe, puwedeng isabak sa drama at action movie

Kung hindi naudlot noon at hindi sila naloko ng pekeng director ng mother na si Dovie San Andres ay matagal na sanang nasa showbiz si Elrey Alecxander o mas gustong makilala bilang Elrey Binoe.

Obyus na kaya ito ang gustong gamiting screen name ng youngest son ni Dovie ay dahil idol niya si Robin Padilla na na-meet nila nang personal noong magbakasyon sila sa Filipinas, year 1994.

At ngayong 2020 ay handa na uli si Elrey na subukan ang kan­yang kapalaran sa showbiz. Siyempre ito ay sa suporta ng kan­yang Mom Dovie at director na si Vic Tiro na tatayong manager nila.

“I’m willing to take a chance po. And hopefully me and my Mom will penetrate the showbiz world this time. Yeah, I want to try all the roles and maybe I can do action movie in the future because that’s my goal also drama,” sey ni Elrey Binoe nang amin siyang maka-chat last week.

Sa pagbibidahang indie movie ni Dovie, na kanyang ipo-produce ay bibigyan niya ng importanteng role ang anak na babagay para rito. Guwapo at matangkad si Elrey kaya mabigyan lang ng chance ay puwede siyang mapabilang sa ating mga actor.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top