Monday , December 9 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Kamara takot kay Digong — Salceda

Kamara takot kay Digong — Salceda

IMBES maging independent ang Kamara sa Ehekutibo, sunod nang sunod ito sa nga kagustuhan ng Pangulong Duterte.

Ani Albay Rep. Joey Salceda, nangyayari ito dahil sa sobrang takot ng mga kongresista sa pangulo.

Ayon kay Salceda sa panayam sa ABS-CBN  news nitong nalaraang Martes, lahat ng ginusto ng pangulo ay sinasanga­yunan ng mga mababa­tas.

“Takot,” ani Salceda, “ang mga mambabatas na kontrahin ang gusto ng pangulo sa pan­gambang bubuweltahan sila nito.”

Ani Salceda may pagka-authoritarian ang kasalukuyang adminis­trasyon.

“In consequence, yes (it is authoritarian), but not in character. How can you say that? In effect, yes,” nang tanungin kung autho­ritarian nga ang rehi­meng Duterte.

“Katulad naming mga congressman, boto lang kami nang boto kay Pangulo sa takot namin,” ayon kay Salceda.

Ngunit sinabi ni Salceda, mas tama ang salitang decisive kaysa authoritative.

“Authoritative (but) decisive is the better word,” ayon pa sa mam­babatas.

ni GERRY BALDO

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top