Wednesday , November 5 2025

Presyo ng itlog at manok pinalagan ng senadora

NAPIKON at pumalag si Senator Imee Marcos sa napaulat na biglaang pagtaas na presyo ng itlog at manok sa ilang mga pamilihan sa Metro Manila nitong nakaraang linggo.

“Walang dahilan para magtaas ng presyo sa itlog kasi ultimong Philippine Egg Board sa kanilang suggested retail price ay hindi dapat tumaas sa P5 ang kada piraso ng itlog dahil sapat ang suplay nito,” pahayag ni Marcos.

Ayon kay Marcos, lagpas sa P6 ang presyo ng bawat pirasong maliit na itlog sa ilang palengke sa Metro Manila, dahil umabot sa P180 o higit pa ang bentahan ng bawat tray na naglalaman ng 30 piraso.

Dagdag ni Marcos, dapat ay nasa P150 lamang ang halaga nito.

Ibig sabihin nito, may 20 porsiyento o mahigit pa ang pagtaas mula sa P5 SRP na itinakda ng gobyerno.

Ikinagulat ni Marcos ang muling pagtaas ng presyo ng manok sa mga pamilihan, na umabot sa P190 hanggang P200 kada kilo.

Ayon sa senador, nasa P123 hanggang P128 ang wholesale price noong nakaraang buwan.

“Tumaas nga ang halaga ng chicken feed at medyo bumaba ang chicken production sa ilang lugar sa Luzon. Pero sinabi ng Department of Agriculture na okay na at bumabalik na ang consumption ng baboy, kaya ‘di dapat ganoon kataas ang presyo ng manok,” ani Marcos.

Sa harap nito, pinaalala­hanan ni Marcos ang Department of Trade and Industry na bu­sisiing mabuti at huwag lubayan ang pagmo-monitor sa pre­syohan ng itlog at manok na pinangangambahang mas itaas pa ng mga negosyante habang papalapit ang Pasko.

(CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …