Sunday , January 19 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Morissette Amon, in-unfriend si Jobert
Morissette Amon, in-unfriend si Jobert

Morissette Amon, in-unfriend si Jobert

NAGULAT at nalungkot ang batikang anchor/producer na si Jobert Sucaldito dahil in-unfriend siya ni Morrissette Amon sa Facebook.

Kung maaalala, naging kontrobersiyal si Morissette nang mag-walkout sa birthday concert ni Kiel Alo sa Music Museum na si Nanay Jobert ang producer.

Bukod sa pag-unfriend, binura rin ang mga picture na kasama ni Morissette si Kiel.

Post ni Nanay Jobert sa kanyang FB account, ”nakaka-sad naman at in-unfriend na ako ni ms. johanne morissette amon sa fb. in fairness, di naman niya ako binlock. dati kasi mag-friends kami. yung ibang pics niya like yung masayang shot niya with some boys (parang semi-selfie) last november 7, 2019 at 12:09pm (the day after the controversial walk-out scene sa music museum) ay dinelete na rin niya. saya kasi ng aura niya roon –   all smiles na parang di naman kasi depressed. pati yung post niya of her apology ay inalis na rin niya. ipinalit niya yung shinare kong apology niya. gayunpaman, God bless her pa rin sa depression niya kung totoo man ito. take care dear. iyon na lang ang masasabi ko.”

Marami tuloy ang nagsabihg tila hindi sincere ang ginawang paghingi ng tawad ni Morissette kay Jobert at napilitan lang dahil na rin sa rami ng namba-bash sa kanyang ginawa.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top