Tuesday , January 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Julia at Claudia, dibdiban ang ginagawang damage control
Julia at Claudia, dibdiban ang ginagawang damage control

Julia at Claudia, dibdiban ang ginagawang damage control

MAGANDA ang pagkaka-produce niyong question and answer nina Julia at Claudia Barretto na inilabas nila sa iba-ibang social media platforms. Maganda ang resolution ng video. Maganda rin ang lighting. Mahusay ang camera man na kumuha sa kanila dahil talagang napili nang husto ang kanilang magagandang angles. Mahusay din ang kanilang make-up.

Kung ganyan ang mapapanood mong video, maliwanag na iyan ay “professionally produced”. Hindi iyan kagaya niyong karaniwang blogs lamang na hindi ganyan ang kalidad ng video. Nang makita namin iyon, ang naisip namin talagang dibdiban na ang ginagawang damage control ng dalawang anak ni Dennis Padilla.

Dapat lang naman, nasira nang husto si Julia sa controversy ng pamilya ng nanay niya. Hindi na aabante ang kanyang career kung hindi nila mahahabol ang naging damage niyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top