Tuesday , November 4 2025

Una sa Filipinas… 10-second business permit application system inilunsad sa Valenzuela

TAPOS na ang panahon ng mahahabang pila, gabundok na papeles at napakatagal na paghihintay para sa mga residente, negosyante at  potential investors na balak magnegosyo sa Valenzuela City.

Simula noong 13 Nobyembre, isang integrated permit application system na tinatawag na 3S Plus Valenzuela City Online Services na ang nagkakaloob ng “single platform” para sa aplikasyon para sa mga permit at kahilingan para sa mga dokumento.

Ito ang una at pinakamabilis sa bansa, at naka­me­menos sa gastos at oras ang mga aplikante.

Bilang pagsunod sa Ease of Doing Business (EODB) Law, tampok sa nasabing sistema ang “Paspas Permit,” isang 10-second business permit application system na sa loob ng 10 segun­do ay maaari nang makapag-isyu ng provisionary business permit matapos makapagbayad.

Bago ito, ang pag-iisyu ng business permit sa city hall ay inaabot ng 15-30 minuto pero dahil sa ‘Paspas Permit’ system ay lalong bibilis ang paggamit ng Valenzuela ng digital technology para mapadali ang pagbibigay ng serbisyo sa higit 18,000 negosyo sa lungsod.

“The new platform demonstrates the local government’s commitment to make services more efficient and innovative, which in turn can attract more investors and spur further development.  Entrepreneurs are indispensable to our country’s growth and so we are empowering them through improved systems of service delivery,” ani Mayor Rex Gatchalian.

“At this point, the adoption of digital technology has become essential to fostering growth.  The launch of 3S Plus Valenzuela City Online Services shows how we are leveraging on the innovative use of new tech­nologies for better, faster services to our constituents,” dagdag ng alkal­de. (R. SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Bianca Tan Meowffin Town Cat Cafe

Bianca Tan protektado fur babies sa negosyo

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging aktres ay pinasok na rin ang pagnenegosyo ni Bianca Tan via …

Manny Pacquiao MannyPay

Manny Pacquiao pagagaangin buhay ng mga Pinoy sa MP 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinalita ng Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao ang kanyang bagong negosyo …

Manny Pacquiao MannyPay

Pacman inilunsad Manny Pay

HARD TALKni Pilar Mateo SA ginanap na grand launch ng Manny Pay na pag-aari ng world boxing …

Manny Pacquiao Jinkee Pacquiao MannyPay Chavit Singson

Manny Pacquiao Papa at ‘di lolo ipatatawag sa unang apo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SOBRA-SOBRA ang kasiyahan ng dating senador na si Manny Pacquiao sa pagkapanalo ng …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …