Tuesday , January 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Migz Coloma enjoy sa paggawa ng kanyang 1st music video, may mall show sa SM City Masinag
Migz Coloma enjoy sa paggawa ng kanyang 1st music video, may mall show sa SM City Masinag

Migz Coloma enjoy sa paggawa ng kanyang 1st music video, may mall show sa SM City Masinag

Tapos nang i-shoot ng newcomer singer-model na si Migz Coloma first Music Video para sa carrier single ng CD Lite Album na “Kayo Na Naman Bang Dalawa” na idinirek ni Martin Leonar. We ask Migz, kung ano ang naging experience habang ginagawa ang music video?

“At first, Tito Peter (tawag niya sa inyong columnist) I felt so much pressure and stress kung paano po namin itatawid ito lahat in just one week. The costumes, the venues that we will be using and the choreography for the song. We actually have a different choreo for the Music Video to entice and catch the viewers’ eye when they first see it on MYX,” sey ni Migz.

At dahil magkaibang choreo ay na-pressure raw talaga ang nasabing newest recoding artist kasi bibihira ang gumagawa nang ganito. “Pressured po  talaga ako

sa bagong choreo kasi we only had two days to learn and to master the choreography. To be honest, It was nerve-racking just thinking about the day of the shoot for the Music Video,” sunod-sunod na pahayag ni Migz, at dagdag pa, “I guess when we were shooting the Music Video, all of my emotions just came out naturally when we were filming. And I couldn’t believe that I’m actually filming my own Music Video with my very own song. And I thank God for this overwhelming experience. It truly is a blessing!”

Ang professional model at endorser na si Mika Dee, ang leading lady ni Migz sa kanyang music video at sina Jo-ed A, Eugenio Xydney Baylon, Jhaneena at Mary Grace ang back-up dancers nito. At parte rin ang Production Stylist na si Raymundo Tabunda, Coach Choreographer na si Maine Oftana.

Samantala para sa first leg ng kanyang mall tour in connection with the promo of his album ay unang mapapanood si Migz sa SM City Masinag sa December 1. Sinisiguro ng talented son ni Mommy Juvy Coloma na mae-entertain ang lahat sa nasabing mall show.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top