Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 gabinete sabit sa korupsiyon
2 gabinete sabit sa korupsiyon

2 gabinete sabit sa korupsiyon

IPAG-UUTOS ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang hiwalay na imbestiga­syon sa dalawang miyembro ng gabi­nete na kinom­pirma ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) na dawit sa korupsiyon.

“Of course, the Presi­dent will order an inves­tigation, he will validate it,”  ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ang pahayag ni Panelo ay bilang tugon sa sinabi ni PACC Commis­sioner Greco Belgica na batay sa ginawa nilang imbestigasyon sa dala­wang miyembro ng gabi­nete na kompir­ma­dong sangkot sa katiwa­lian.

Hindi pinangalanan ni Belgica ang dalawang miyembro ng gabinete.

Ani Belgica , isinu­mite niya ang full report sa Office of the President bago mag- Undas.

Bahala na aniya si Pangulong Duterte na mag-anunsiyo ng panga­lan dalawang cabinet members. Bukod dito, inihayag din ni Belgica na may undersecretary at assis­tant secretary din silang sinisiyasat na may kina­laman sa labis na pag­biyahe-biyahe sa labas ng  bansa. ni

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top