Friday , December 13 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Underpass na bagong pintura, ginuhitan ng oplan pinta (OP) ng mga aktibista
Underpass na bagong pintura, ginuhitan ng oplan pinta (OP) ng mga aktibista

Underpass na bagong pintura, ginuhitan ng oplan pinta (OP) ng mga aktibista

Wattafak!

Sapak naman talaga itong mga kabataang aktibista. Mantakin ninyong bagong pintura lang ‘yung underpass ‘e agad nilagyan ng OP o operation pinta.

Aba ‘e mga aktibista ba talaga kayo o gusto lang ninyong makapanggulo?!

‘Yan lang ang alam ninyong paraan para mapansin ng goyerno?!

Dapat siguro, bukod sa paglalagay ng CCTV camera sa area na ‘yan ‘e magpa-ronda ng mga tanod o pulis diyan sa area ng underpass sa P. Burgos Drive, northbound at southbound.

Uulitin lang po natin, iba ang nagagawa ng police visibility.            

Pakiusap naman natin sa mga kapatid nating aktibista, irespeto naman natin ang propriedad ng bayan.

Mag-organisa kayo at magpalawak para mas marami ang mamulat. Huwag kayong magkalat at mang-asar.

‘Yun lang. 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top