Friday , December 13 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Dinaig ang China… PH no. 1 rice importer sa mundo

Dinaig ang China… PH no. 1 rice importer sa mundo

NABAHALA ang Palasyo sa balitang nangunguna na ang Filipinas bilang pinakamalaking rice importer sa buong mundo.

Aminado ang Mala­ca­ñang na labis na naka­babahala ang ulat ng United States Depart­ment of Agriculture Services na tinalo ng Filipinas ang China bilang pinakamalaking rice importer sa buong mundo ngayong taon.

Base sa ulat, papalo sa tatlong milyong metri­kong tonelada ang aang­kating bigas ng Filipinas ngayong taon na may­roong mahigit isandaang milyong populasyon kompara sa 2.5 milyong metrikong tonelada ng China na mayroong populasyon na 1.4 bilyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ginagawan na ng paraan ni Agriculture Secretary William Dar ang problema ng mga mag­sasaka.

Halimbawa aniya ang pagbibigay ng irigasyon sa mga sakahan na pina­ka­­mahalagang com­ponent sa pagtatanim ng palay.

Ayon kay Panelo, batid ng pamahalaan ang mga problema ng mga magsasaka kung kaya pinagtutuunan na ito ng pansin ngayon ni Pangu­long Rodrigo Duterte.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top