Friday , December 13 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Term sharing nina Cayetano at Velasco kasado pa rin
Term sharing nina Cayetano at Velasco kasado pa rin

Term sharing nina Cayetano at Velasco kasado pa rin

SA GITNA ng mga pag-uu­dyok kay House Speaker Alan Peter Caye­tano na huwag para­ngalan ang kasunduang term-sharing dahil sa magandang survey nito, sinabi ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kahapon na tuloy pa rin ang kani­lang ”gentle­man’s  agreement.”

Ayon kay Velasco, napipintong mag-take-over sa puwesto ni Cayetano pagkatapos ng 15 buwan, hindi pa napapahon pag usapan ang term-sharing pero dapat igalang ang kasun­duan.

“Honestly, sa ‘kin alam ko tuloy pa rin. An agreement is an agree­ment. A gentlemen’s agree­­ment is a gentle­men’s agreement,” ani Velasco sa interbyu ng House media kahapon.

“I really don’t want to comment talaga. It’s still so early. It’s already November. Next year pa naman ‘to —October,” dagdag niya.

Inilinaw ni Velasco, magkakaroon din ng botohon sa pagka-speaker pagkatapos ng termino ni Cayetano.

“Of course (election), we cannot go through (term-sharing) unless we go to voting,” paliwanag ng kongresista.

“Based on the gentle­men’s agreement, I will see you next year as the next Speaker of the House,” ani Velasco.

Aniya, nakapokus lamang siya sa trabaho bilang chairman ng House Committee on Energy at kung paano mapabababa ang singil sa koryente.

“Just focusing lang po passing laws na I believed, makatutulong po na makababa ng koryente sa ating mga kababayan,” ayon sa mambabatas.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top