Friday , December 13 2019
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Hilig’ ni VP Leni ipagkakaloob ng Presidente
‘Hilig’ ni VP Leni ipagkakaloob ng Presidente

‘Hilig’ ni VP Leni ipagkakaloob ng Presidente

NAKAHANDA si Pa­ngu­­long Rodrigo Duterte na ibigay ang lahat ng ‘hilig’ ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa kanilang pag-uusap ni Pangulong Duterte noong Sabado, tiniyak ng Punong Eheku­tibo na ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ni Robredo sa ikatata­gum­pay ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.

“Sabi niya ibibigay ko sa kanya bahala na siya kung anong gusto niya, basta siya ang on top of the situation there,” ani Panelo.

Kahit ang mga pag­ba­bagong nais ipatu­pad ni Robredo sa kam­panya laban sa illegal drugs ay papayagan ng Pangulo.

Hindi aniya ipagka­kait ng Pangulo kahit ang budget na hirit ni Robredo bilang drug czar o para sa Inter Agency Committe Against Drugs (ICAD).

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top