Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Vendors tablado kay Yorme Isko ngayong Pasko
Vendors tablado kay Yorme Isko ngayong Pasko

Vendors tablado kay Yorme Isko ngayong Pasko

TALIWAS sa nakasa­nayan tuwing Pasko na naglipana ang vendors sa buong lungsod ng Maynila, tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­go­­so na mananatiling zero vendors ang main thoroughfares ng May­nila partikular sa Divisoria.

Seryosong pahayag ni Isko, “tapos na ang maliligayang araw na ang mga vendor ay ‘panginoon’ sa mga kalsada sa Maynila.”

“Nakagawian na kasi ‘yan. ‘Pag panahon ng Kapaskuhan, lahat ng kalsada puno ng vendors. Ang katu­wiran, tutal Pasko na­man.  Tapos alam n’yo na kung ano ang kapa­lit,” ayon kay Moreno.

Ani Moreno, hindi biro ang ginawang paglili­nis ng lokal na pama­halaan ng Maynila sa mga vendor para maibalik ang kalsada sa mga motorista at pedestrians.

“We have to consider the greater good of the greater majority — the pedestrians, commuters, motorists and residents of Manila in general — who are adversely affected by the lack of roads they could traverse or walk on. These roads are beyond the commerce of men,” dagdag ni Mayor Isko.

Matatandaan, kabi­lang sa mga unang direktiba ni Moreno ang clearing ng mga vendor na umookupa ng major roads sa Divisoria gaya ng C.M. Recto Ave., Juan Luna, Soler, Blumentritt, at Carriedo streets.

Ang hakbang na ginawa ni Moreno ay pinuri ng mga moto­rista at publiko at nawa­la rin ang cutting trips ng biyahe ng mga jeep.

Matatandaan, ang Divisoria ay dinarayo tuwing Ber months upang  mamili ng mu­rang pamasko at pan­regalo sa pasko.

Suportado ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen. Joel Bernabe Balba ang programa ni Mayor Isko sa pamama­gitan ng mahigpit na utos kay MPD PS11 commander P/Lt. Col. Andrew Aguirre na ipatupad ang kautusan ni Moreno na naaayon sa tama at nang walang paglabag sa karapatang pantao.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top