Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Reklamo sa Our Lady of the Pillar Medical Center sa Imus City, Cavite idudulog sa Department of Health

Reklamo sa Our Lady of the Pillar Medical Center sa Imus City, Cavite idudulog sa Department of Health

DESIDIDO ang isang ginang na mamamahayag sa pagsasampa ng kaukulang reklamo laban sa pamunuan ng Our Lady of the Pillar Medical Center na matatagpuan sa Imus City, Cavite.

May kaugnayan ito sa sinasabing “illegal detention” na gianwa ng nasabing pagamutan sa isa nilang pasyente.

Batay sa pahayag ng news hen na si Rebec­ca Velasquez, publisher ng pahayagang Pulso ng Makabagong Caviteño, ang kanyang mister na si Diosdado ay na-admit sa naturang ospital nitong 29 Oktubre.

Aniya, dapat ay out na sila noong 4 Nobyembre ngunit dahil sa kakulangan ng bayad sa hospital bill ay pinigil ang kanilang paglabas at umabot hanggang 7 Nobyembre.

Nabatid na lagpas sa P150,000 ang bill nila at dahil kulang ng P70,000 ay humiling sila ng konsiderasyon sa nabanggit na pagamutan.

Iminungkahi ni Gng. Velasquez ang pagsusumite ng promissory note, ang pag-iisyu ng post dated cheque at maging ang guarantee letter mula sa tanggapan ng alkalde ng Imus.

Ngunit hindi umano sinang-ayunan ng Our Lady of Pillar sa halip ay pinapalakad ang ginang para sa Philippine Charity Sweepstake Office o Department of Social Welfare and Development para sa financial assistance.

“May sakit din ako at sa mga oras na iyon ay umaatake pa ang aking high blood kaya hindi ko na kakayanin pa ang maglakad o mag-ayos ng mga ganoong papeles. Konsiderasyon lamang ang hinihiling ko sa ospital at babayaran naman sila (Our Lady of Pillar) sa sandaling makalabas kami kaya nga may mga options akong ibinibigay na handa naman kami sa pagba­bayad,” paliwanag ni Gng. Velas­quez.

Sa pangyayari ay natalakay ng ginang ang anun­siyo o patakaran ng Department of Health tungkol sa Republic Act No. 9439 na nagsa­saad ng mahigpit na pagbabawal sa pagpipigil o deten­tion ng pasyente ng ospital o medical clinics sanhi ng hindi pagbabayad ng hospital bills o medical expenses.

Gayonman, nanindigan ang Our Lady of Pillar sa kani­lang patakaran.

“Balewala sa kanila (Our Lady of Pillar) at parang bina­bas­tos ang batas dahil bukod sa hindi kinikilala ay hindi pa sinusunod,” dagdag ni Gng. Velasquez.

Bunga nito ay nagpasya ang ginang sa pamamagitan ng kanyang legal counsel para sa paghahabla.

“Hindi ko sinisiraan ang ospital pero ako na mismo ang nakaranas bilang biktima kaya ang hangad ko lamang ay maituwid ang tama at dapat ay pahalagahan ang batas para sa kagaya naming mahihirap,” sabi pa ng ginang.

Habang isinusulat ito ay nakatakdang ihain ni Gng. Velasquez ang kanyang formal complaint sa tanggapan ng kagawaran sa pamamagitan ni Dr. Eduardo, Regional Director ng DOH-CALABARZON.

Dapat talaga aksiyonan ng DOH ang problemang ito dahil marami pang ginang o tao na magkakaroon ng problemang ganito.

Bagama’t, oo pribado nga ang ospital gayon­paman nasa ilalim pa rin ito ng DOH at marapat na sundin ang mga itinakdang kautusan sa pagpa­patakbo ng ospital. Sinoman ang nagmamay-ari ng ospital na aking binanggit, mabuti pang punenarya na lamang negosyo ninyo.

Imbes magpagaling e parang gusto pa ninyong matodas ang pasyente dahil sa ‘stress.’

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top