Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Pekeng pulis ‘nagpakuha’ ng shabu kalaboso
Pekeng pulis ‘nagpakuha’ ng shabu kalaboso

Pekeng pulis ‘nagpakuha’ ng shabu kalaboso

KULONG ang isang lalaking nagpulis-pulisan para magpa­kuha ng shabu at magnakaw ng cellphone sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

Robbery at usurpation of authority ang nakatakdang ikaso sa suspek na kinilalang si Richard Torres Gregorio, 32 anyos.

Dakong 8:30 am, tinawagan ang biktimang si Migs Ivan de Guzman Peregrino, 24 anyos, sales promoter, ng Brgy. Balubaran ng isang alyas Onad at pinapunta siya sa bahay nito.

Ipinakilala ni alyas Onad si Peregrino sa suspek at ipina­sama ang nagpakilalang pulis na si Gregorio na umano’y miyembro ng drug enforcement unit.

Pumayag ang biktima, gamit ng suspek ang motorsiklo ng una papuntang Malabon.

Pagdating sa Malinta junction dakong 10:00 am, inutusan ng suspek ang biktima na pumunta sa Dulong Tangke St., Malinta.

Dito ay puwersahang kinuha ng suspek ang susi ng motor ni Peregrino, cellular phone at ID saka binigyan ng P500 para mag-isang kumuha ng shabu sa Malabon.

Sa tagpong ito, nagpasya ang biktima na pumunta sa bahay ng kanyang kaibigang si alyas Lenlen para kunin ang mga gamit ngunit tumanggi ang suspek.

Dumeretso ang biktima sa mga tunay na pulis na nagresulta sa pagkakahuli sa pekeng pulis na si Gregorio at pagkakabawi sa mga ninakaw kay Peregrino na isang Oppo A38 at company ID. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top