Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ‘Pagpapa-asa’ ni Carlo kay Angelica, naungkat
‘Pagpapa-asa’ ni Carlo kay Angelica, naungkat

‘Pagpapa-asa’ ni Carlo kay Angelica, naungkat

BASAG na basag si Carlo Aquino sa tanong ng tinaguriang Dean of Entertainment press na si Manay Ethel Ramos tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban.

Unang tanong kay Carlo ay kung may komunikasyon pa sila ng dating karelasyon at sinagot nito ng wala pa at willing siyang kausapin ito sa tamang panahon.

Pero inamin ng aktor na nag-hi and hello sila sa nakaraang ABS-CBN trade lunch.

Hindi ko po kasi kaagad nakita siya (Angelica) kasi may kasama po ako,” sambit ni Carlo.

Hirit ni Manay Ethel, ”babae o lalaki kasama mo?” 

Nawindang si Carlo sa tanong at napangiti na lang. Inalaska tuloy siya ng ibang entertainment press na naroon na hindi siya makatanggi kay Manay Ethel dahil siya ang host that time.

Ang galing talaga ni Manay (sabay tawa at palakpak pa ng aktor),” saad ni Carlo.

Hanggang sa naalala ng beteranong manunulat ang naging away nina Carlo at Camille Pratts noon na hindi na tanda ng aktor.

At diretsong tanong namin kung pinaasa ni Carlo si Angelica dahil ito ang lumalabas na kuwento base na rin sa mga social media post ng aktres.

Dagdag ni Manay Ethel, ‘oo, sobra mo bang pinaasa?’

“Ayoko na lang pong magsalita kasi minsan kapag nagsasalita ako mas lumalalim ‘yung nangyayari, mas nagkakaroon ng sama ng loob kaya hangga’t maaari ‘wag na lang natin o mas importante sa akin kung makakausap ko siya ng personal kaysa kung saan-saan (nababasa),” katwiran ni Carlo.

Hirit ulit sa binata, ‘may effort ka bang kausapin?’

“Ngayon po, busy ako, busy siya, so wala pang (time),”  paliwanag nito.

Nakaka­lokang tanong ni Manay Ethel pa, ‘baka naman kasi kinonsider mo siyang excess baggage?’

Tawanan ang lahat at maging si Carlo ay napapikit sa katatawa at sabay (muwestra) na ‘ang galing ni Manay naipasok ang titulo ng pelikula nila ni Angge.’

Whoop!  Hindi po, hindi. Siguro po mas maganda kung mag-uusap na lang muna kami,” diin ng aktor.

At dahil guwapo at blooming ngayon si Carlo ay tinanong ni Manay Ethel kung nag-Belo siya at naloka ulit ang binata at sinabi nitong Beautederm siya.

Anyway, kapag okay na lahat kina Carlo at Angelica ay willing ulit makatrabaho ng aktor ang dalaga.

“‘Pag nahilom na lahat po, basta mag-uusap na lang po kami,” saad ng aktor.

Samantala, si Carlo ang matinding kalaban ni Arjo Atayde sa Bagman Season 2 na mapapanood na sa Miyerkoles, Nobyembre 13 sa iWant bilang Hitman.

Ang teaser ay, The Bagman meets The Hitman.

Inamin din ni Carlo na nagkasakitan sila ni Arjo sa matitinding fight scenes nila at hindi naman maiiwasan dahil intense ito lalo’t mas matangkad sa kanya ang Tisoy na aktor.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top