Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / News / P22-M tulong inihandog ng Valenzuela sa Mindanao
P22-M tulong inihandog ng Valenzuela sa Mindanao

P22-M tulong inihandog ng Valenzuela sa Mindanao

NAGKALOOB ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela ng P22 milyong financial assistance para sa mga biktima ng lindol sa probinsiya ng Cotabato at Davao del Sur sa pamamagitan ng Quick Response Fund (QRF) ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund (LDRRMF).

Agad nagpulong ang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) noong 30 Oktubre 2019, matapos ang naganap na 6.6 magnitude earthquake na tumama sa Mindanao na labis na nakaaapekto sa ilang bayan at lungsod sa nabanggit na lalawigan.

Nang sumunod na araw, muling niyanig ng isa pang 6.5 lindol ang parehong lugar sa Mindanao kaya’t inaprobahan ng Sangguniang Panlungsod ng Valenzuela ang Resolusyon 1472, Series ng 2019, na nagpapahintulot kay Mayor Rex Gatchalian na i-release ang P22 milyon mula sa QRF.

Opisyal na pinapayagan nito ang paglilipat ng pondo na tinatayang P16 milyon para sa lalawigan ng Cotabato at ang mga apektadong lokalidad, at P6 milyon para sa lalawigan ng Davao del Sur at ang mga apektadong lokalidad.

Simula noong Sabado, 9 Nobyembre, ipinamahagi ang pondo sa pangunguna ni Senator Win Gatchalian, kasama si City Social Walfare Officer, Ms. Dorothy Evangelista sa mga apektadong probinsiya ng Davao del Sur – P2 milyon; Digos City – P1 milyon, Bansalan —P1 milyon, Magsaysay municipality – P1 milyon, Matanao – P1 milyon, Cotabato – P4 milyon, Kidapawan City –P1.5 milyon, Magpet – P 500,000, Makilala – P5 milyon, at Tulunan – P2.5 milyon.

Mayroong probisyong tulong para sa libing ng mga namatay na nagkakahalaga ng P20,000 para sa bawat pamilya.

Maalala na ang lalawigan ng Cotabato ay naunang sinalanta ng isang malakas na lindol noong 16 Oktubre, na nagtulak sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) noong 23 Oktubre upang ideklara ang buong lalawigan sa ilalim ng state of calamity.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top