Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine, kinastigo ang ama, humingi ng paumanhin
Nadine, kinastigo ang ama, humingi ng paumanhin

Nadine, kinastigo ang ama, humingi ng paumanhin

HUMINGI ng paumanhin si Nadine Lustre sa lahat ng na-offend at nagalit sa ipinost ng kanyang amang si Ulysses “Dong” Lustre sa social media na pinaniniwalaang patungkol iyon kay Kathryn Bernardo bilang sagot sa interview nito sa show ni Boy Abunda (Tonight with Boy Abunda).

Ayon kay Nadine, kinausap  ang kanyang ama nang malaman ang laman ng Facebook nito noong Oct. 9 na sinasabing para raw talaga kay Kathryn.

Noong nangyari kasi ‘yun, I was off sa social media, kasi nga I’m taking a break, eh. I saw that, I think, after more than a week, we talked about it.

“Pero before he did this, I haven’t talked to him about anything,” aniya pa.

“I’m not my dad, so I don’t… we don’t have the same brain, we don’t think alike.

“Kung sino man ‘yung na-offend niya or nasaktan niya with what he said, ako na ang humihingi ng paumanhin.

“But I talked to him about it and I told him na that wasn’t right,” lahad pa ni Nadine.

“We talked about it, wala namang hindi maayos sa magandang pag-uusap,” dagdag pa ng dalaga.

Maaalalang ang post ni Tito Dong ang nag-ugat sa controversy na, ”I’m Flop and you’re High Gross, what are you afraid of. You feel so threatened, you’re desperate to break us apart.

“I hope someday you get what you deserve. What comes around, goes around.”

Mabilis na kumalat  ang nasabing post hanggang sa pangalanan  ng fans na si Kathryn ang pinariringgan dahil kasabay iyon ng pag-a-announce ng pagiging highest-grossing Filipino film of all time ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden Richards.

Kaya naman na bash ng KathNiel fans si Tito Dong pero iginiit nitong wala siyang pinatutungkulan sa FB niya.

(JOHN FONTANILLA)

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top