Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / MR sa libel cum harassment sa akin ni wanted ADD leader Bro. Eli, mga alagad ibinasura

MR sa libel cum harassment sa akin ni wanted ADD leader Bro. Eli, mga alagad ibinasura

MULING napahiya si Ang Dating Daan (ADD) convicted-fugitive leader very Bad Eli “Kuyukot” Soriano (BEKS) matapos maibasura ang hirit na motion for reconsideration (MR) sa kasong libel na inihain laban sa inyong lingkod ng kanyang mga alipores.

Sa inilabas na resolusyon na pirmado ni Assistant Provincial Prosecutor Francisco Aquino Samonte, Jr. (may petsang October 26), ibinasura ng Catanduanes Prosecutor’s Office ang inihaing MR ng mga alagad ni Soriano na sina Fernando Hirang I at Genesis Camacho laban sa atin.

Matatandaan, una nang ibinasura ng Catan­duanes Prosecutor’s Office ang walang basehang reklamo nina Hirang at Camacho noong September 11, 2019.

Palibhasa ay mangmang sa batas sina Hirang at Camacho kung kaya’t hindi abot ng kanilang pang-unawa na ang bawat krimen ay may mga “elemento” upang magkaroon ng basehan ang paghahain at pagsasampa ng kaso.

Ang kasong libelo ay mayroong apat na elemento: 1) defamatory; 2) publication; 3) malice; at 4) identification.

Tulad din sa ibang krimen, kailangang kompleto ang mga nabanggit na elemento upang magkaroon ng basehan ang paghahain at pagsasampa ng kaso.

Sa naibasurang reklamo laban sa atin ng mga alagad ni Soriano na sina Hirang at Camacho, wala ang elemento ng identification.

Pero nagsikap pa rin ang mga alagad ng wanted ADD leader na maghain ng MR sa pag-aakalang lulusot ang kaso base sa mali nilang paniwala kahit taliwas sa sinasabi ng batas.

“As already explained by this office, complainants were not specifically named or identified on the questioned broadcasts. Said broadcasts referred to the ‘Ang Dating Daan’ leader, ‘SORIANO.’ Hence, it cannot be said that the alleged defamatory languages were specifically and individually addressed to herein complainants,” sabi sa resolusyon.

Ayon pa resolusyon, ang pugante nilang lider na si Soriano ang tinukoy kaya’t siya lamang ang maaaring makapagsampa ng kaso laban sa akin, hindi sila o ang sinoman na ‘di naman nabanggit ang pangalan sa aking broadcast kahit pa kaanib sila sa ADD.

Binigyang diin sa resolusyon ang ‘jurisdiction’ – na ang ibig sabihin ay maaari lamang magsampa ng kaso sa lugar kung saan unang isinapubliko ang mapanirang pahayag at hindi sa kung saan-saang dako na maaaring magipit ang kinakasuhan sa pagbiyahe nang malayo.

Sa pagtatapos ng resolusyon at pagbasura sa MR cum harassment ng mga alagad ni Soriano, nasasaad:

“WHEREFORE, the foregoing motion for reconsideration is hereby DENIED for lack of merit.”

Aywan lang kung ngayon ay naiintindihan na ng malalabnaw na utak nina Hirang at Camacho ang batas na walang karapatang magdemanda ng libel ang sinoman na hindi naman pinanga­lanan.

Sa madaling sabi, pauwiin n’yo si Soriano at siya ang maghain ng kaso laban sa akin.

Pero ang nasisiguro natin, hindi uuwi mula sa kanyang pinagtataguang bansa sa Brazil ang puganteng si Soriano na may outstanding warrant of arrest sa dalawang rape case na walang piyansa.

Base sa record, si Soriano ay nakatakdang basahan ng sakdal ng mababang hukuman sa kasong rape pero hindi siya sumipot sa itinakdang arraignment noong June 2, 2009.

Sadyang hindi dumalo si Bro. Eli sa itinakdang pagbasa ng sakdal laban sa kanya sa kasong rape na walang piyansa at nadiskubre ang kanyang pagtakas palabas ng bansa noong December 14, 2005.

Kalaunan ay natuklasan na si Bro. Eli ay nagtatago sa Brazil na wala tayong ‘extradition treaty’ para siya maipatapon pabalik sa bansa upang harapin ang paglilitis sa kasong rape laban sa kanya.

Noong nakaraang taon, kinatigan ng Supreme Court (SC) First Division ang hatol na guilty ng mababang hukuman kay Soriano sa kasong libel na inihain ni Jesus Miracle Crusade evangelist Wilde Almeda na tinawag niyang “false prophet,” “idiot,” at “apostle of demons.”

Ang pangalan ni Soriano ay nasa “red notice” ng International Police (Interpol) at saan man teritoryo na mayroon tayong extradition treaty ay maaari siyang arestohin.

Pero maaari rin ipatupad ang pagdakip sa kanya sa sandaling sumayad ang kanyang mga paa sa alinmang embahada at konsulada ng ating bansa na itinuturing din na teritoryo ng Filipinas.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top