Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Indonesian actor, tuwang-tuwa kay Empoy
Indonesian actor, tuwang-tuwa kay Empoy

Indonesian actor, tuwang-tuwa kay Empoy

KUWELA ring tulad ni Empoy Marquez itong Indonesian actor na ‘gumagaya’ sa kanya, si Dodit Mulyanto na bida sa remake ng Kita Kita, ang Cinta Itu Buta” (Love is Blind) na release ng Viva Films at mapapanood na sa Nobyembre 13.

Nagkita na sina Dodit at Empoy at kapwa sila natuwa sa isa’t isa kaya naman nasabi ng una na gusto niyang makatrabaho si Empoy.

Maging si Empoy ay nagustuhan ang ugali ni Dodit kaya naman nag-stay pa ang actor nang ipag-meet sila ng Viva.

Makakatambal ni Dodit si Shandy Aulia, isang aktres at costume designer na nagkamit ng kasikatan sa kanyang lead role sa romance na Eiffel I’m In Love, na matapos ang 15 taon ay nasundan ng isang sequel. Kalaunan, siya ay bumida rin sa mga horror movies gaya ng TarotThe Doll, at Kutuk (Curse). Ngayon gagampanan ni Shandy ang papel na ginampanan din ni Alessandra de Rosi si Diah, isang tour guide sa South Korea na nawasak ang pagkatao nang iwan ng fiance na tatlong taong nakarelasyon.

Dating music teacher naman si Dodit na nag-umpisa sa kanyang acting career noong sumali sa Stand-Up Comedy Indonesia (SUCI). Matapos ang contest, nakilala siya sa mga comedy films gaya ng Cek Toko Sebelah (Check The Shop Next Door), Susah Sinyal (Difficult Signal), at sa action-comedy, Partikelir (Private).

Kadalasang supporting roles ang ginagampanan ni Dodit at ngayon lamang siya magbibida. Gagampanan niya si Nik, isang masigasig na kapitbahay ni Diah, na tinulungan niyang maibalik ang pagiging positibo sa buhay. Siya rin ang umawit ng theme song ng pelikula, Darling.

Ang Love Is Blind ay idinirehe ng Citra Award nominee para sa Best Director sa Indonesian Film Festival sa Lost in Love noong 2008 na si Rachmania Arunita.

Hango ang Love Is Blind sa orihinal na kuwento ni Sigrid Andrea Bernardo at isinulat para sa pelikula ni Fanya Runkat.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top