Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Elaine Yu, tiniyak na worth it panoorin ang Two Love You
Elaine Yu, tiniyak na worth it panoorin ang Two Love You

Elaine Yu, tiniyak na worth it panoorin ang Two Love You

Napaka-accommodating at masarap kahuntahan si Elaine Yu na kabilang sa casts ng pelikulang Two Love You. Gumaganap siya rito bilang si Vivian na bestfriend ni Emma, played by Yen Santos.

Ito na ang third movie ni Elaine na talent ni katotong Ogie Diaz mula pa noong 2018. Unang pelikula niya ang Nabubulok na isang Cinemalaya film ni Direk Sonny Calvento. Sumunod ang Nuuk nina Aga Muhlach at Alice Dixon na showing na today in cinemas.

Ano ang ma­sasabi niya sa mga lead star ng Two Love You ni Direk Benedict Mique na showing na sa Nov. 13, 2019? Wika ni Elaine, “Si Yen – super ku­wela, mabait, friendly… si Kid naman ay mahiyain, down-to-earth, pero friendly din at si Lassy, super funny talaga siya kahit off-cam, down-to-earth din and friendly.”

Bakit dapat panoorin ang pelikula nila? “Ang Two Love You ay isa sa mga pelikulang sinasabi ko na out of the box. Hindi pa nailalahad ang ganyang kla­seng kuwento sa Filipino viewers before, so worth it bigyan ng oras at panoorin dahil bagong kuwento na naman ito.” Dagdag niya, “Definitely pantanggal stress ang movie dahil sa trio nina Lassy, MC and Dyosa. Kapupulutan po ito ng aral dahil tungkol ito sa pagmamahalan at pamilya.”

Nag-e-enjoy ba siya sa takbo ng kanyang career?

“Okay naman po, ‘di naman po ako nagmamadali. Basta po kung dumating na ang magandang role or project, pinagbubuti ko po at pinaghihirapan talaga,” nakangiting wika ni Elaine na nabanggit din na wish niyang mapabilang sa teleseryeng Love Thy Woman (starring Kim Chiu at Xian Lim) dahil siya ay Chinese at tungkol sa mga Chinese family ito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top