Wednesday , November 5 2025

Drug czar Leni suportado… Access sa intel reports ayos lang — Palasyo

HINDI kabado ang Palasyo kahit magkaroon ng access sa intelligence report si Vice President Leni Robredo bilang drug czar.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala namang itinatago ang gobyerno sa mga record at nakabukas ito sa publiko.

“Unang-una wala namang itinatago ang gobyerno sa mga record, nakabukas naman ‘yan. ‘Yung intelligence report na sinasabi wala rin masama doon dahil ‘pag sinabi mong intelligenece report sino ang mga involved sa droga ang nandoon at iyon naman ang sinusundan ng laban ng ahensiya. So anong masama naman doon?” pahayag ni Panelo.

Bukas din aniya ang palasyo sa balak ni Robre­do na makipag-ugnayan sa US Embassy at sa United Nations para sa intelligence gatherings.

Mas makabubuting bigyan muna aniya ng tsansa si Robredo na maka­gawa ng sariling diskarte.

“Hayaan natin si VP Leni as the drug czar na gumawa ng kanyang diskarte. Hindi pupu­wede kasi ‘yung mara­ming quarter backers, maraming netpickers, maraming haka-haka, maraming mga espe­kulasyon. Hayaan muna natin na magtrabaho ‘yung ale. Pabayaan natin, suportahan natin,” giit ni Panelo.

ni ROSE NOVENARIO

VP LENI HAYAANG
MAMUNO SA WAR ON DRUGS
— SOLON

SA KABILA ng mga pangamba ng oposisyon laban sa pagtangap ni Vice President Leni Robre­do sa posisyon bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), isang kongresista ng administrasyon ang nana­­wagang bigyan si Robredo ng panahon upang ipakita ang kan­yang kakayahan.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., nararapat bigyang tsansa si Robredo na ipakita ang kanyang kakayahang baguhin ang patakaran ng gobyerno sa paglaban sa ilegal na droga.

“Let us give the Vice President a chance to prove whether or not na kaya niya, kaya nga sabi ngayon ng ating Pangulo, through his spokesperson, e bigyan natin ng leeway ang ating Bise Presidente to prove her worth,” ani Barzaga sa interbyu sa radio dzBB.

Ani Barzaga, presi­dente ng National Unity Party (NUP), ‘yung mga nagsasabing sine-set-up si Robredo ng adminis­trasyon upang hindi magtagumpay ay masya­dong “pessimistic.”

“To us politicians, that is a very good sign sapagkat nagkakaisa ang ating Pangulo at Bise Presidente sa pagsugpo ng unang sakit ng ating lipunan, the drug problem at kung minsan nababasa nga natin sa dyaryo (that) this is just a trap coming from the administration, minsan sinasabi rin natin it was a wrong decision on the part of the Vice Pre­sident, minsan sinasabi rin natin that the Pre­sident and his men were not in good faith pero I think this would be a pessimistic or a negative attitude,” aniya.

Ani Robredo, narara­pat anang palitan ang kampanyang “Oplan: Tokhang” dahil hindi na maganda ang paningin ng tao rito.

Ayaw din ni Robredo na may mga namamatay sa kampanya laban sa droga partikular ang extrajudicial killings.

Ani Barzaga, ang suporta ng taong bayan ay kailangan ni Robredo dahil ang tagumpay nito ay tagumpay ng samba­yanang Filipino.

“And in the same vein, the failure of this program will be a failure not only on the part of the President and Vice President but a failure on the part of the Filipin nation. Nakikita natin ang masamang epekto ng droga sa lahat ng mama­ma­yan sa bansa,” saad ng mambabatas.

Dagdag ni Barzaga, kailangan din ng suporta ng Kamara para bigyan ang ICAD ng karagda­gang pondo para sa operasyon nito.

Pati na ang suporta ng Hudikatura ay kailangan sa paglilitis ng mga kaso ng mga taong may kaug­nayan sa sindikato ng droga.

“Sapagakat kung minsan, nawawala at nasasayang ang efforts ng ating law enforcement agencies kung ‘yun namang mga involved sa droga  na-a-acquit o kung minsan, convicted, pero nakalalabas naman sa Muntinlupa,” ani Barzaga.

(GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …