Friday , December 13 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cindy at Rhen, palaban sa hubaran at maiinit na eksena
Cindy at Rhen, palaban sa hubaran at maiinit na eksena

Cindy at Rhen, palaban sa hubaran at maiinit na eksena

HANDA ang lead actors ng Adan ng Viva Films at Aliud Entertainment na sina Cindy Miranda at Rhen Escano na magkaroon ng karelasyong tomboy.

Tsika ni Rhen sakaling may manilgaw na tomboy ay ie-entertain niya, dahil naniniwala siya na ang bawat tao ay patas pagdating sa pagmamahal maging lalaki, babae, bakla o tomboy man. Kaya naman okey lang sa kanya na magkaroon ng karelasyon dahil gusto rin niyang maranasan.

Saman­talang kung ang dating Binibining Pilipinas Tourism  naman ang tatanungin, aminado siyang maraming baklang kaibigan. Alam kasi niya ang gusto niya pagdating sa pakikipag-relasyon kaya naman okey din siya na maging kaibigan ang tomboy pero if ever na may manligaw, okey lang din sa kanya.

Istorya ng dalawang babaeng na-in-love sa isa’t isa ang ginagampanan nina Cindy at Rhen sa Adan. Kaabang-abang nga rito ang maiinit na love scene nila at ang matapang nilang paghuhubad.

Sa trailer pa lang ng Adan, kita na ang ganda ng pelikula  at ang husay sa pag -arte nina Cindy at Rhen, kaya naman hindi lang ang maiinit na lovescene ang aabangan kundi maging ang acting nila.

Ang Adan ay idinirehe ni Roman Perez at mapapanood na sa mga sinehan sa November 20.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top