Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beautederm babies ni Rhea Tan, dumarami pa; Blessings, patuloy na ipinamamahagi
Beautederm babies ni Rhea Tan, dumarami pa; Blessings, patuloy na ipinamamahagi

Beautederm babies ni Rhea Tan, dumarami pa; Blessings, patuloy na ipinamamahagi

SHARE your blessings!” Ito ang panuntunan ni Rhea Anicoche Tan, presidente at CEO ng Beautederm kaya naman inuulan din siya ng blessings. Biruin n’yo naman, nasa 42 na ang kanyang ambassadors at patuloy pa rin itong nadaragdagan.

Noong Sabado, inilunsad ni Tan ang limang GMA Artists bilang dagdag pa sa dumarami niyang ambassadors. Ito’y sina Camille Prats, Ken Chan, Rita Daniela, Pauline Mendoza, at Sanya Lopez.

Ani Tan, parang mga anak niya ang lima dahil pangarap niya ang magkaroon ng maraming anak. Dalawa lamang kasi ang naibigay (anak) sa kanya kaya naman anak na kung ituring niya ang mga batang endorser.

At dahil sa katuwaan ni Tan sa lima, bibigyan pa niya ang mga ito ng kabuhayan showcase. “Kaya mamili na kayo ng mall na gusto ninyong tayuan ng Beautederm at bibigyan ko kayo ng kabuhayan package,” sambit ni Tan.

Sa totoo lang, sa Beautederm din lang yata nangyayari na walang network war dahil napapagsama-sama ni Tan ang mga artista mula GMA at at ABS-CBN.

“Para po kaming isang pamilya. Masaya lang kami kapag magkakasama. Kapag may io-open kaming store gusto lahat magsisama. Ayaw nila paiwan,” kuwento pa ni Tan.

Sa nakalipas na 10 taon, nasa forefront ns ang Beautéderm Corporation ng beauty and wellness industry sa bansa bilang isa sa mga pinaka-solid at pinaka-pinagkakatiwalaang lider nito.

Taong 2009 itinatag ni Tan ang kompanya sa kagustuhang i-beautéfy ang bansa at ito’y sa pamamagitan ng mga line of products niya na nagpapamalas ng pinakamataas na kalidad na nagbibigay ng pinaka-mabilis, pinaka-epektibo, at pinaka-sustainable na resulta.

Prioridad din ng Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo sa lahat ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit lamang ng mga plant-based sa sangkap na pinagsama-sama para maibigay ang pangakong ‘di lamang pisikal na kagandahan sa bawat loyal user nito bagkus mas magandang buhay din para sa mga reseller at distributor.

Ilang reseller at distributor na rin ba ang nagpasalamat kay Tan dahil gumanda at umayos ang kanilang buhay dahil sa Beautederm. Marami na ang nag-testify na hindi nila akalaing matutupad ang pinapangarap lamang noong bahay at sasakyan.

Consistent Superbrands awardee ang Beautederm at ilan sa mga flagship brands nito ay ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; Reverie by Beautéderm Home na room at linen sprays gayundin ang mga scented soy candle; at ang perfume collection na Origin Senses perfumes for men at mga bagong produkto na Beauté Balm, Au Revoir Skin Soothing Oil, at Cristaux Gold Elixir Serum – na lahat ay top-selling products sa merkado ngayon.

Mayroon nang humigit sa 1,000 resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Pilipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ito ng mga produkto araw-araw dito at sa abroad sa tulong ng isa sa pinakatanyag na shipping company sa bansa. Mayroon ding physical stores sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang Beautéderm at isa sa Singapore.

“My Beautéderm babies are increasing at masaya at proud akong i-welcome ang aking GMA Artist Center brand ambassadors sa aming lumalaking pamilya,” sabi ni Rhea. ”Sina Camille, Ken, Pauline, Rita, at Sanya ay lima sa pinakamahuhusay na artists na aking nakilala and I am at awe with what they have accomplished in their individual careers. Blessed ang Beautéderm to have them onboard.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top