Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 2 batakero ng shabu huli sa sementeryo
2 batakero ng shabu huli sa sementeryo

2 batakero ng shabu huli sa sementeryo

HULI sa akto ng mga pulis ang isang babae at isang lalaki sa aktong bumabatak ng droga sa loob ng sementeryo sa Pasay City, kamakalawa.

Nasa detention cell ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Ma. Suzette Bueno, 36 anyos,  miyembro ng kilabot na Commando Gang; at Mark Andrew Veloria, 23 anyos, binata, pawang nasa drug watchlist, kapwa residente sa 400 Sgt. Mariano Street, Barangay 148, Zone 16  sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Pasay City police chief P/Col. Bernard Yang, nahuli ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) Baclaran ang dalawang suspek sa loob ng isang barung-barong sa Pasay City Public Cemetery na matatagpuan sa Don Carlos Revilla St., Bgy. 148 Zone 16 sa Pasay City, dakong 3:45 pm nitong Sabado.

Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang awtoridad mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap na pot/drug session sa lugar.

Agad nagsagawa ng operasyon ang mga pulis sa presinto na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek at narekober ang ilang drug paraphernalia at dalawang lighter. Sasampahan sina Bueno at Veloria ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) sa Pasay Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top