Monday , November 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Morissette, nag-walkout, iniuntog pa ang ulo; Jobert, naiyak sa galit
Morissette, nag-walkout, iniuntog pa ang ulo; Jobert, naiyak sa galit

Morissette, nag-walkout, iniuntog pa ang ulo; Jobert, naiyak sa galit

NAGULAT ang mga nanood sa birthday concert ni Kiel Alo, ang Ako Naman sa Music Museum nang hindi nag-perform si Morissette Amon. Kasunod nito ang pag-a-announce ng producer na si Jobert Sucaldito kasama ang handler ng singer na si David Cosico na may sasabihin ito. Nag-apologize si Cosico at sinabing hindi makakakanta si Morissette dahil sa medical reason.

Marami ang nadesmaya lalo na ang producer nitong si Kuya Jobert na after ng show ay nagpa-interview para ilahad ang tunay na dahilan ng hindi pag-akyat ni Morissette ng stage.

Aniya, bago mag-show ay ininterbyu ni Mario Dumual sina Kiel at Morissette, Napag-usapan doon ang status ng lovelife at relasyon nito sa kanyang pamilya. Sinagot naman ni Morissette ang mga tanong ni Kuya Mario pero at nagtatawanan pa nga ang mga ito. After the interview, may narinig na lamang ingay si Jobert sa isang kuwarto at doo’y nakita niyang iniuuntog ni Morissette ang kanyang ulo sa pader habang umiiyak.

Hindi alam ni Jobert ang dahilan ng aksiyong iyon ni Morissette pero agad namang nagtungo sa kanya si David para sabihing hindi na makakapag-perform ang kanyang alaga.

Sinasabing hindi nagustuhan ni Morissette ang naging takbo ng interview sa kanya kaya naman na-depress ito at feeling na inatake siya ng media.

Ipinaliwanag ni Jobert kay David na kailangang mag-explain ni Morissette sa audience kung bakit hindi siya makakakanta. ”Ibinabalik pa nga nila ang honorarium na ibinigay ko. Ang sabi ko, hindi usapin ang bayad dito. Ang usapin, ‘yung natanguan mo, ‘yung commitment. Hindi kayo sa akin dapat magpaliwanag, sa audience. Baka sabihin ng audience niloko ko sila dahil malinaw na malinaw na nasa poster ang pangalan niya.

“At hindi ikaw David ang kailangang magpaliwanag dahil hindi ka naman kilala ng audience. Dapat si Morissette,” kuwento ni Kuya Jobert. Pero hindi rin napilit si Morissette na humarap sa audience kaya naman si David ang nag-explain na habang ginagawa iyon ay siyang pagtakbo palabas ng singer habang nakatungo at nakasimangot pa raw.

Sa nangyaring iyon, hindi napigilan ni Jobert ang maiyak sa sobrang sama ng loob dahil itinuring niyang anak-anakan si Morissette at napaka-espesyal pa ng concert na iyon. ”Birthday concert ito ng anak ko, si Kiel. At talagang itinawid ko lang ito para mairaos tapos ganito ang mangyayari. May mga insidente naman na nangyayari rin sa buhay natin na hindi maiiwasan, pero the show must go on. May mga namamatayan pa nga pero kapag oras ng show, magso-show sila. Eh siya andito naman siya.”

Sinabi pa ni Jobert na maayos nag-practice si Morissette bago ang gabi ng concert. Maayos din ang usapan nila at hindi niya alam ang dahilan ng pagbabago ng mood ng singer. Hindi niya sinisisi ang pag-iinterview ni Dumaual kay Morissette ang nagbunsod ng ganoong pag-uugali ng aktres dahil pagkatapos niyon ay nakita naman niyang nagtatawanan pa ang mga iyon.

Ang nasabi na lamang ni Jobert sa huli, ”you want a fight with me, I’ll give it to you!”

Wala siyang lugar dito sa showbiz — Daisy; ‘Di ka pa sikat — Annabelle

Samantala, galit na galit din kapwa ang co-producer ni Jobert na sina Annabelle Rama at Daisy Romualdez sa inasal na iyon ni Morissette. Anang mga ito, bumalik na lamang si Morissette sa Cebu at magtinda.

Sinabi pa ni Daisy, ”Wala siyang lugar dito sa showbiz kasi hindi ganyan ang ugali ng singer o artista. Kung may problema ka, iwan mo sa bahay, kumanta ka. Ang mga tao rito bumili ng tiket para manood, nakakahiya na wala silang mapapanood na Morissette.”

Nang may nagsabing nagkaroon ng heart burn si Morissette sagot pa ni Daisy, ”Anong heart burn, heart burn, maraming kremil-s dyan, uminom siya niyan.”

Susog naman ni Annabelle, ”Hindi ka pa sikat, bruka ka. ‘Wag mong gawin sa akin ‘yan day, sa stage pa lang kakaladkarin na kita.”

Okey ang interbyuhan namin — Mario

Sa kabilang banda, tinext naman ng aming entertainment editor si Kuya Mario para alamin ang tunay na nangyari ng kanilang interbyuhan. Ayaw man magbigay ng pahayag ni Kuya Mario, sinabi nito sa pamamagitan ng text na, ”Huwag na ako. Maayos naman interview namin nina Morissette. Okey naman siya. Proper sumagot.”

Nang sundutin ng tanong na, ‘bakit nagkaganoon si Morissette?’ Sagot ni Kuya Mario, ”hindi ko knows.”

Bukod kay Morissette, special guest din nang gabing iyon sina Eva Eugenio at Jun Polistico.

Nalungkot din si Mr. Polistico sa nangyari kay Morissette at nasabing, ‘masisira siya kapag ganyan.’

Matagumpay ang kabuuan ng concert maliban sa nangyaring walk-out ni Morissette at ang hindi pagdating ni Janno Gibbs.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top