Monday , November 18 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Isko Moreno balik-pelikula tandem si Coco Martin
Isko Moreno balik-pelikula tandem si Coco Martin

Isko Moreno balik-pelikula tandem si Coco Martin

BALIK-PELIKULA si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso!

Makakasama ni Mayor Isko ang isa sa mga sikat na aktor na si Coco Martin para sa entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Tampok ang dalawa sa “3pol Trobol: Huli Ka Balbon,” na mapanonood ngayong Pasko.

Ayon kay Moreno, gaga­nap siya bilang alkal­de sa naturang pelikula.

Bagamat maikli ang role ay aminado siyang nasabik siya sa pagba­balik pelikula.

Ang makukuhang talent fee rito ni Moreno ay deresto ulit sa mga tao at/o institusyong nanga­ngailangan gaya ng Philip­pine General Hospital (PGH).

Nakiusap si Isko na huwag bigyan ng malisya ang kanyang endorse­ments dahil ito umano ay trabaho.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top