Thursday , October 9 2025

Crackdown sa tibak base sa reklamo — Palasyo

WALANG nakikitang masama ang Palasyo sa isinasagawang “crack­down” ng mga awtoridad laban sa mga aktibista.

“The government policy is always to investigate complaints on criminal activities and if they have evidence, then they will take actions,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Giit ni Panelo, kung may mga ebidensiyang nagpapakita na sangkot sila sa krimen, okey lang na manmanan ng mga pulis ang mga tanggapan ng mga maka-kaliwang grupo.

“Well, if the evidence shows that they have been engaged in criminal activities. That’s supposed to be the duty of the police security, if they have basis for surveillance,” ani Panelo.

Matatandaan, sa bisa ng search warrant, sinalakay ng mga pulis ang mga tanggapan ng Bayan Muna, Kilusang Mayo Uno, Gabriela, National Federation of Sugar Workers, noong nakalipas na 31 Oktubre sa Bacolod City at inaresto ang may 42 katao dahil sila umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Kamakalawa, iniutos ng Bacolod City Prosecutor’s Office na palayain ang 31 sa kanila dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya na sila’y kasapi ng NPA.

Noong nakalipas na Martes, 5 Nobyembre,  tatlong aktibista ang dinakip ng mga pulis nang magsagawa ng raid sa tanggapan ng Bagong Alyansang Makabayan sa Tondo, Maynila.

ni ROSE NOVENARIO

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Joey Salceda

Salceda sa Bangkok Climate Talks delegates: Nahigitan pa ng  Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa “Renewable Energy”      

IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag - Gabu residents

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadesmaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong …

bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa …