Monday , November 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Atty. Topacio paranoid ka na ba?
Atty. Topacio paranoid ka na ba?

Atty. Topacio paranoid ka na ba?

ITINATANONG po natin ito dahil parang kakaiba ang ikinikilos nitong si Atty. Ferdinand Topacio.

Imbes harapin ang kasong estafa at violation of BP-22 na kinakaharap ng kanyang kliyenteng si LOVELYN MESHIE NUEVO GOTO, isa sa mga incorporator ng NOVOUE PHIL. CORP., ‘e patulan ba naman ang ‘scam alert’ umano na kumakalat sa social media.

Naglunsad pa ng operation media hype itong kampo ni Atty. Topakcio este sorry’ Topacio laban sa mga nagdemanda sa kanyang kliyente.

Sa kanyang inilabas na istorya sa ilang pahayagan, sinabi nilang nagreklamo umano sila ng cybercrime dahil umano sa nasabing ‘scam alert.’

Ang ipinagtataka lang natin, saan pinagkukukuha ni Atty. Topacio ang mga pangalan na idinawit niya sa kanyang ipinakalat na operation media hype?!

Magkano kaya ang tinodas na tosgas ni Atty. Topacio sa kanyang kliyenteng si Messy ‘este Meshie para ilunsad ang kanyang operation media-hype?

Hindi ba alam ni Topacio na sandamakmak ang kasong estafa at BP-22 na kinakaharap ng kanyang kliyente sa Parañaque at Pasay cities hanggang doon sa Cavite?!

Lumalabas tuloy ngayon na hindi lang scammer kundi nagpapakalat pa ng fake news itong kampo ni Topacio at ni Nuevo.

Kahit anong pagtatanggol pa ni topak ‘este Topacio na ang kanyang kliyente ay hindi scammer — ang tanong lang bakit nagpakalat sila sa ilang diyaryo na naghain sila ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) at nagsampa umano ng kaso laban sa mga biktima ng kliyente niyang si Nuevo — e hindi naman pala totoo?!

Kaya talaga namang ‘bumibilib’ tayo sa ‘husay’ magpaikot nitong si Meshie.

Mantakin ninyong siya na ang tumangay ng milyones sa kanyang mga biktima at panay ang patalbog ng tseke, pero siya pa ngayon ang malakas ang loob na magreklamo?!

Hindi lang nagrereklamo, ipinadidiyaryo pa ang mga naloko niya.

Saan o kanino kaya nanghihiram ng kapal ng apog itong si Lovelyn Meshie! Paranoid na ba kayo!?

Wattafak!?

Kung dati ay kumukulo ang dugo natin dito kay Meshie ngayon ‘e bigla tayong naawa dahil mukhang hindi niya kilala si Topacio na bigla niyang kinuha ang ‘serbisyo de kalembang’ nito.

Kalembang as in maingay lang walang lalim gaya sa isang batingaw!?

Hindi pa natin nalilimutan ang mga kaepalan nitong si Atty. Topacio. Hindi siya sumisikat dahil sa husay mag-abogado. Sumisikat siya kasasawsaw sa mga isyung kinasasangkutan ng mga celebrities.

Remember Mo Twister & Rhian Ramos issues?! Kris Aquino vs Mocha Uson. Bea Benene and her mother. Si Jaclyn Jose at ang apo niyang si Ellie. Si Claudine Barretto… at marami pang ibang isyu na sinawsawan ni Topacio.

Lahat ng isyung ‘yan inepalan ni topak para lang lumutang ang kanyang pangalan sa media.

Pero ang pinakanakahihiyang pag-epal ni Topacio ‘e nang sabihin niyang nagkonsulta sa kanya si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III hinggil sa isyu ng kanyang reelection bid.

Todo-deny as in parang kadiri to death ang pagtanggi ni Senator Koko na sila ay magkai­bigan ni Topacio at lalong hindi umano siya kokonsulta sa isang abogado na walang alam gawin kundi ang makipag-away sa public officials, sa mga kasamahan sa legal community, at mga media personality.

In short, ang estratehiya ni Topacio para magkapangalan ay hindi sa pagpapanalo ng kaso kundi sa pamamagitan ng pakikipag-away at paki­kisawsaw sa away ng mga sikat at pamosong tao.

Sabi nga ni Senator Koko noon, “I would never solicit the views of a lawyer better known for starting personal squabbles than winning legal battles.

“There is no truth to Atty. Topacio’s statement that I consulted him about the legal issues surrounding my candidacy. I have never asked Atty. Topacio for any legal opinion in my entire life. There is a very short list of election lawyers I would consult regarding this matter, and he is not on it.”

O klarong-klaro ‘yan!

Kulang na lang sabihin ni Senator Koko na walang integridad at kredebilidad si Topacio ‘di ba?

Ngayon, nakapagtataka pa ba kung mahilig magpakalat ng fake news si Topacio pabor sa kliyente niyang estafador at eksperto sa pagpa­patalbog ng tseke?!

Mga suki, huwag magpapagoyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top