Tuesday , September 23 2025
dead gun police

Tulak bulagta sa shootout, 11 pa arestado

PATAY ang isang notoryus na tulak sa enku­wentrong naganap sa pagitan ng pulisya sa Bgy. Guyong, sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan kahapon, 5 Nobyembre.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, Bulacan police director, ang napatay na drug suspect na si Allen Omila, 42 anyos, may asawa, at residente sa Seminary Road, Bgy. Bahay Toro, lungsod Quezon.

Sa ulat mula sa Sta. Maria Municipal Police Station (MPS), nabatid na nagkaroon ng drug deal si Omila sa isang undercover agent sa Bgy. Guyong, sa natu­rang bayan dakong 3:00 am kahapon.

Nakatunog ang suspek sa pre­sensiya ng mga tauhan ng Sta. Maria MPS Drug Enforcement Unit (DEU) kaya bumu­not ng baril at pina­putukan ang mga pulis na napilitang gumanti na ikina­matay ni Omila.

Nabatid, ang napatay na suspek ang notoryus na tulak sa Bgy. Gu­yong at kabilang sa drug watchlist ng Santa Maria MPS.

Narekober sa lugar ng insidente ang 12 heat-sealed plastic sachet ng shabu; isang kalibre .45 Colt pistol, mga bala, at buy bust money.

Kaugnay nito, 11 pang drug suspects ang magkakasunod na naaresto sa mga serye ng anti-illegal drug raids na isinagawa ng San Rafael, San Jose del Monte City, Sta. Maria, Marilao at Bulakan police stations hanggang kahapon, 5 Nobyembre. Dinala ang mga nakompiskang ebidensiya sa Bulacan Crime Laboratory para sa kaukulang pagsusuri habang ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Acts of 2002.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Goitia PBBM Protest Rally

Para kay Goitia
Kaguluhan bigo, diwa ng Pinoy nagtagumpay

ANG kaguluhan na sumiklab sa Mendiola noong Setyembre 21 ay malinaw na nagpapakita, ayon kay …

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

Sec Solidum sees thriving food innovation and salt industry in Northern Mindanao

DOST Secretary Renato U. Solidum, Jr. witnessed it firsthand during his visit to Northern Mindanao, …

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

DOST Region 2 Strengthens Technology Transfer Through Fairness Opinion

TO ensure that innovative technologies from local research institutions find their way to industry partners, …

One Verse SB19

SB 19 idolo ng One Verse

PROMISING ang baguhang PPop boy group na  One Verse na nasa pangangalaga nina Jhay  Layson, Direk Jaysar Lorayna, Direk …

Bulacan

Sa Bulacan
DAAN-DAAN NAGPROTESTA VS KORUPSIYON

“BAHAIN ng galit ang mga buwayang kurakot!” Sigaw ng hindi bababa sa 500 kataong nagmartsa …