Thursday , April 25 2024

Umawat sa away… SK kagawad binurdahan ng saksak ng mananahi

MALUBHANG nasugatan ang isang kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK)  makaraang saksakin ng basag na bote habang umaawat sa away ng kanyang mga kapitbahay sa Project 4, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, P/Col. Ronnie S Montejo mula kay P/Lt. Nick Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang biktima ay si John Crisanto Bejo, 21 anyos, binata, SK Kaga­wad, ng Brgy. Escopa 2 at residente sa Blk 29, Lot 5, Brgy. Escopa 2, Project 4, QC.

Agad namang nada­kip ang suspek na kinilalang si Errol Castor Lim, 51, mananahi, may asawa ng Blk 21, Lot 7, Brgy. Escopa, Proj. 4 ng nasabi ring lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/SSgt. Juvy Fallesgon, ang insidente ay naganap dakong 2:15 am kahapon, sa Top Side Road ng naabing barangay.

Ayon sa mga naka­sak­si, bilang kagawad ng SK ay inawat ng bik­tima ang suspek at dala­wang lalaki na nagkaka­girian.

Ngunit imbes paawat ang suspek, ang kagawad ang pinagtuunan nito ng galit at sinaksak ng bote sa likuran.

Nang duguang bu­mag­sak ang biktima, agad isinugod ng kan­yang mga kapitbahay sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) at hanggang ngayon ay inoobserbahan pa dahil sa avulsed wound postero- lateral chest, ayon kay Dr. Gizelle Bea U. Estrella.

Matapos ang pana­naksak, bolun­taryong sumuko ang suspek sa pulisya.

ni ALMAR DANGUILAN

About Almar Danguilan

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *