Sunday , February 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ariel, halos mamalimos matapos lang ang King of Reality Shows
Ariel, halos mamalimos matapos lang ang King of Reality Shows

Ariel, halos mamalimos matapos lang ang King of Reality Shows

AMINADO si Ariel Villasanta na marami siyang hiningan ng tulong, isinanla ang kanyang bahay, matapos lang ang pelikulang ten years in the making, ang King of Reality Shows.

Ang pelikulang ito na may iba pang titulo noon ay ginawa nina Ariel at Maverick sa America. Subalit hindi ito naipalabas o na-shelf.

Ngayon ang istoryang ito ay tungkol sa isang struggling artist na si Ariel na ginawa ang lahat, isinanla ang bahay at lumapit sa iba’t ibang personalities para humingi ng advice at suporta para mabili at matapos ang pelikula at maipalabas.

Ani Ariel, nilapitan niya sina Pangulong Duterte, Mayor Sara Duterte, Sen. Trillanes, Sen. Pacquiao, Sen. Bato, Mayor Isko, Cong. Strike Revilla at Chaye Cabal, Raffy Tulfo, Mocha Uson, Joey de Leon, Coco Martin, Jose Manalo, Empoy, Jasmine Trias, Suzeth Ranillo, Cristina Decena, at sina dating Eddie Garcia at German Moreno.

Kaya masasabing halos namalimos siya, matapos lang ang pelikula.

Ang Kings of Reality Shows ay ipinrodyus, isinulat, at idinirehe ni Ariel Villasanta mula sa Lion’s Faith Production at ipamamahagi ng Solar Films.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top