Thursday , April 25 2024

Pelikulang Guerrero Dos, maraming paluluhain

DAHIL sa tagumpay na naabot ng first sequel ng pelikulang Guerrero ‘di lang sa bansa maging sa ibang bansa na umani ng papuri at parangal,  inihahatid ng EBC Films ang midquel nito, ang Guerrero Dos, Tuloy ang Laban na idinirehe ni Carlo Ortega Cuevas.

Ang Guerrero ay tungkol sa isang boksingero (Ramon played by Genesis Gomez) at ang relasyon nito sa kanyang kapatid na si Miguel na ginagampanan ni Julius Cesar Sabenario na nagwagi sa 2018 PMPC Star Awards For Movies for Best Child Performer of the Year  na labis ang paghanga sa kanya.

At sa Guerrero Dos, Tuloy ang Laban naka-focus ang istorya sa challenges na pagdaraanan ni Miguel. Isa rito ang pag-aalaga sa kanyang Kuya Ramon na na-comatose at ang biglang pagkamatay ng kanilang ina.

Kung ilang beses ding tumulo ang luha ng mga entertainment press na nanoood ng advance screening ng Guerrero Dos, Tuloy ang Laban sa ganda ng istorya at sa husay ng mga artistang nagsiganap dagdag pa ang aral at inspirasyong hatid nito.

Kasama rin sa Guerrero Dos, Tuloy ang Laban Art de Guzman, Mia Suarez, Victor Neri at iba pa.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *