Monday , December 9 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Malu Barry inilaglag nga ba ni K Brosas, sa kanilang noontime show?
Malu Barry inilaglag nga ba ni K Brosas, sa kanilang noontime show?

Malu Barry inilaglag nga ba ni K Brosas, sa kanilang noontime show?

PAWALA nang pawala ang kredibilidad ng ilang hurado sa noontime show ng Dos partikular itong si K Brosas na dahil matagal na umanong insecure kay Malu Barry ay kanyang inilaglag sa Tawag ng Tanghalan (TNT) kaya tinalo ni Chis something.

Hayan ang dami tuloy namba-bash ngayon sa show dahil sa palpak na choice of winner. Imagine, nag-standing ovation ang nasabing mga hurado sa performance ng tinaguriang “Torch Queen” pero ang ending ay itong si Cris ang kanilang ini-announce na winner? Nasaan naman ang katarungan?

Nang aming tawagan si Malu, para hingan ng reaction, ayaw niyang magbigay ng komento sa nangyari sa kanya sa programang sinalihan pero kahit manahimik pa ang singer-actress, sa mata ng kanyang fans and supporters and TV viewers ay siya ang totoong panalo dahil siya naman talaga ang tunay na magaling.

Korek ba Dulce, Randy, Karylle, Nyoy at Erik?

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top