Sunday , April 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aga, Coco, Alden, mababait na anak
Aga, Coco, Alden, mababait na anak

Aga, Coco, Alden, mababait na anak

EH si Alden Richards, si Mark Herras, si Aga Muhlach, si Enzo Pineda, mga kapitbahay ko sila sa Golden City, Santa Rosa, Laguna, except Aga. Pero nakilala kong mababait na anak sa magulang at kapatid. Mga lalaki pa ‘yan. Hindi sila nananakit kahit na magaganda ang mga showbiz career, malalaki ang pinagkakakitaan, mga negosyo, mga endorsement. Pero wala kang maririnig na nag-aaway sila, nagkakasakitan. Sana ganyan ang Barretto sisters.

Kahit si Coco Martin, lahat halos ng kamag-anak at kaibigan, mga tumutulong sa kanya noong wala pa ang Ang Probinsyano, kasama niya sa malaking bahay na ipinatayo. Hindi maramot, bagay talaga na maging FPJ.

Gusto ko rin si Maymay Entrata na produkto ng PBB, nag-click siya, ibinili niya ng house & lot ang nanay niya at ibinili ng tricycle ang isang kamag-anak. Marami pang mababait na anak sa magulang at tiyak pinagpapala ng Diyos.

NO PROBLEM DAW
ni Letty G. Celi

 

About Letty Celi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top