Friday , April 19 2024

Albayalde at 13 “Ninja cops”‘guilty until proven innocent’?

NAGHAIN na raw ng kaso ang Criminal In­vestigation and Detec­tion Group (CIDG) laban kay dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Alba­yalde at sa tinaguriang “Ninja cops” na sangkot sa modus na ‘agaw-bato’ noong 2013 sa Pampanga.

Si Albayalde ay sinampahan ng mga kasong kriminal: paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) for misappropriation; misapplication or failure to account for the confiscated; seized and/or surrendered dangerous drugs; at nahaharap din sa kasong paglabag sa Section 3 (a) at (e) ng Anti-Graft Law.

Kasunod ng paghahain ng kaso ay mabilis na sinabi ng PNP na dapat daw ipalagay na inosente si Albayalde at ang 13 Ninja cops hanggang mapatunayang nagkasala, anila:

“The PNP will let justice, fairness, and due process of law take its course. All accused remain innocent until proven guilty.”

Sang-ayon tayo sa PNP, alinsunod nga naman sa Saligang Batas:

“A person is presumed innocent until proven guilty.”

Ang problema, tila salungat at hindi aplikable ang sinasabi ng batas sa kaso ni Albayalde at ng mga dati niyang tauhan.

Ibig sabihin, ang tinutukoy sa batas ay mga akusado pa lang na ang kaso ay wala pang pasiya.

Base na rin sa mga pangyayari, ang 13 Ninja cops ay una nang napatunayang nagkasala pero naparusahan lamang ng ‘demotion’ matapos na hindi maipatupad ang unang hatol na ‘dismissal’ laban sa kanila.

Kaya’t ang sitwasyon ni Albayalde at ng 13 Ninja Cops ay baligtad sa ginagarantiyahang karapatan ng mga akusado sa ilalim ng ating Saligang Batas.

Dahil din sa nasabing kaso, nasibak si Albayalde bilang noo’y provincial director ng Pampanga.

Hindi kaya mali ang paniwala ng PNP, at mas angkop na ipalagay na “guilty or otherwise” ang 13 Ninja Cops?

Tama po ba ang pagkakaintindi natin sa batas, acting PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa at Atty. Estelito Mendoza?

 

PMA CLASS ’87, ’88

IPALIT NA PNP CHIEF

TATLO ang rekomendado ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año na kanyang isinumite kay Pang. Rodrigo “Digs” Duterte na papalit sa binakanteng puwesto ni Albayalde bilang bagong hepe ng PNP.

Kabilang sa isinumiteng shorlist sina Lt. Gen. Camilo Cascolan, Maj. Gen. Guillermo Eleazar, at Lt. Gen. Archie Gamboa.

Sina Gamboa at Cascolan ay ‘mistah’ o classmates ni Albayalde sa Philippine Military Academy (PMA) Sinagtala Class of 1986 at magreretiro sa Setyembre at Nobyembre 2020, ayon sa pagkakasunod.

Si Eleazar naman ay kabilang sa PMA Hinirang Class of 1987 at sa November 2021 pa nakatak­dang magretiro sa serbisyo.

Pero ang pangulo ay maaari pa rin pumili ng iba na na nais niyang italaga kahit wala sa listahan na isinumite sa kanya basta’t may ranggong Brigadier General, ayon sa tuntunin.

Ibig sabihin, puwedeng pumili ng sarili niyang kursunada si Pres. Digs ng kapalit ni Albayalde na hindi susundin ang seniority at labas sa Class ‘86 at ‘87 ng PMA basta’t may isang estrelya na nakapatong sa balikat.

May mga nangangamba na mabalewala rin ang kasalukuyang rigodon at inisyatibo na maibangon ang imahen ng PNP na naman­tsahan sa kaso ng Ninja Cops kung sa mga class­mate ni Albayalde magmumula ang ipapalit sa kanya.

Hindi sa ano pa man, pero mas magiging ma­ka­totohanan ang reporma sa PNP kung isasantabi na ang pagpili sa mga nasa hanay ng PMA Class ‘86 at ikonsidera ang pagsasalin ng liderato sa ‘87 at ‘88.

‘Yan naman ay kung mas may pagpapahalaga ang PMA Class ‘86 na maisalba ang PNP bilang institusyon alang-alang sa bansa at mama­mayan.

Puwede rin naman magretiro na lang sila nang maaga at igawad ang katumbas na ranggo at insen­tibo ng isang PNP chief, katulad nang iginawad na kay Senior As­sociate Justice Antonio Carpio na nagre­tiro sa Supreme Court.

Baka sakaling magsilbing leksiyon ito na susundan at mabu­ting halimbawa na pagtutu­laran hindi lamang sa PNP kung ‘di sa lahat ng sangay ng ating pamahalaan.

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *