Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marco Gallo, handang magpa-sexy: kung magugustuhan ng tao
Marco Gallo, handang magpa-sexy: kung magugustuhan ng tao

Marco Gallo, handang magpa-sexy: kung magugustuhan ng tao

MALIGAYA si Marco Gallo na finally ay matutupad na ang gusto niyang magka-career at ito’y sa pamamagitan ng Viva Entertainment Inc..

Sa ngayo’y pinag-uusapan pa ng bagong management ng actor ang mga plano sa kanyang career habang pinagbubuti naman niya ang kanyang craft sa pag-arte.

Sa pakikipag-usap kay Marco, sinabi niyang, ”I’m already started on my craft now, acting workshop, singing workshop…You know I’m not a singer, they say that everybody can get better if they want to. And I think, why not and they give me this challenge, so I say, why not?”

Dalawang taong naging alaga ng Star Magic si Marco pagkalabas sa Pinoy Big Brother at pagkaraan ay umuwi ng Italy at nag-stay ng seven months.

“I felt I want to go back to study and documents (pag-aayos) din,” sambit niya.

Pinalagan naman niya ang tsikang nagbalik-Italy siya dahil hindi siya kuntento sa nangyayari sa kanyang career. ”Hindi naman po. I was getting a lot of work that time, actually. I was not depressed but I felt I want to go home kasi na-homesick din ako tapos ginusto kong unahin ang pag-aaral noon at makasama uli ang pamilya ko. Iyon po talaga ang dahilan.”

Akala ni Marco, mananatili siya sa Italy ng apat na taon pero after ng birthday niya, nakaramdam siya ng kakulangan. ”Nasabi ko parang miss ko ang Pilipinas, may naiwan ako rito na hindi ko alam kung ano iyon. Hindi naman lovelife, it was an enigma inside me that I couldn’t sleep right. Somethings missing and it’s not here in Italy. I have to find it out because if it’s not, I’ll regret it in the future. That’s why I came back.

“I’m really an impulsive person, kaya sabi ko bahala na, bahala na si Batman” ani Marco. Ito ay nangyari noong i-celebrate niya ang 18th birthday sa Italy last January.

Nagtapos noong August ang kontrata ni Marco sa Star Magic at nagpaalam naman siya ng maayos dito. ”They asked me if I wanted to renew and I said I want to explore same as when I went back from Italy I gonna had this gut of knowing what I’m working on, I want to have hands on on this kind of network of this industry. I wanted to know who I’m working with. I want to know everyone from it. And of course, by doing that, you need to have a change, you need to get to know people, that’s why that’s the main reason why I swap to Viva, kasi gusto ko talaga makilala buong network. Kung dito ako talaga magtatagal, I really wanna have my hands on it.”

At pinayagan naman siya ng Star Magic dahil alam nilang magiging maligaya siya sa desisyon niyang iyon. ”Star Magic is a family, not a company. Mr. M (Johnny Manahan) is like a dad. Kung doon ka naman masaya papayagan ka nila. At nag-o-ffer naman din sila.”

Sa paglipat ni Marco sa Viva umaasaya siyang, ”I’ll get better on my craft. It’s not a thing coming from them it’s actually coming from me. And I want them to help me. I want them to push myself to the limit. Because I trust Viva. I trust how they, of course, I’ve been asking around, and they said na hands on ang Viva sa artists nila. Hindi nila isasalang kung hindi nila alam na ready na talaga.

“And I really felt welcome by Viva and I’m happy by this choice and sana mabuti ang kalalabasan.”

May babaguhin ba kay Marco sa Viva? Ang sagot niya, ”depende sa role na ibibigay nila. I don’t really know what’s gonna happen next.”

Hindi naman siya natatakot sa pagbabagong gagawin niya sa Viva dahil, ”G na lang gawin natin ito, kung anumang obstacle ‘yan, problema sa daan, harapin na lang.”

Ukol naman sa kung handa siyang magpa-sexy, sagot ng actor, ”ha ha ha, aba eh kung magugustuhan ng tao ‘yan…pero hindi, if I need to do sexy role, that comfort a good body. And to have a good body, it doesn’t take one night or a day, I’m gonna go trainings in months.

“I really gonna listen to what they want. If they want me to get that, then I will do it. Now I’m skinny, I’m happy with myself now. I’m healthy. I’m not looking for na palalakihin ang katawan ko.”

Iginiit pa ni Marco na sarili niyang desisyon ang paglipat sa Viva at walang nakaimpluwensiya sa kanya. ”It was a hard decision, we’ll see for the result if I’m still smiling in 10 years.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top