Monday , June 15 2026

Akihiro Blanco, gumaganda ang takbo ng career

MAGANDA ngayon ang takbo ng showbiz career ni Akihiro Blanco. Ang 24-year old na si Aki ay produkto ng talent series na Artista Academy ng TV5. Ang kanyang feature film debut ay sa Mga Alaala ng Tag-ulan noong 2013.

Isa sa project niya ngayon ang part 2 ng 12 Days to Destiny. Maganda ang resulta ng tambalan nina Mary Joy Apostol at Akihiro dito dahil umabot sa 1.2 million views ito sa YouTube. Kaya naman napagpasyahan ng producer nitong si Mr. Robert Tan na gawan ito ng sequel.

Sa naturang pelikula, si Majoy ay gumaganap bilang si Camille, isang architect na girlfriend si Daniel (Akihiro). Ang role naman ni Aki ay isang worker sa Blade store noong part-1 na nangangarap maging isang successful engineer, isa siyang working student at independent na binata.

Kasama rito ang original casts like Xander Pineda, Carissa Viaje and may mga bago rin daw na dagdag, ang direktor nito ay si CJ Santos.

Nabanggit ni Aki ang iba pa niyang project. “May pelikula rin po akong ginawa kasama si Michelle Vito, loveteam ko po roon at ang title #clicklikeandshare directed by Ping Medina. And may dinirek din po akong short films na coming soon, ang title ay 3am, horror short film ito and Tagpuan na isa namang love story short film.”

Mapapanood din si Aki sa Sagisag Kultura ng National Commission for Culture and the Arts bilang TV host, kasama si Lara Maige.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Bam Aquino

Bam Aquino pinaiimbestigahan mabagal na paglulunsad ng P67-B pondo sa pagtatayo ng silid-aralan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBALIK bilang tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education si Senador …

Vandolph Quizon Dolphy Home Along Da Riles

Vandolph ‘di pinalitan Dolphy sa Home Along Da Riles Da Reunion: Nag-iisa lang iyan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakalimutan ni Vandolph na pasalamatan ang ABS-CBN para maisapelikula nila ang Home Along Da Riles. …

Claudine Barretto

Claudine open nang mag-entertain ng suitors

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “NO, no, that’s not true. We’re friends, we’re friends,” paglilinaw ni Claudine Barretto sa …