Friday , March 29 2024

Mindanao, unang collaboration nina Judy Ann Santos at Direk Brillante Mendoza

ANG pelikulang Mindanao ang kauna-unahang pagkaka­taon na nagsama ang inter­nationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza at ang celebrated actress na si Judy Ann Santos. Tampok din dito si Allen Dizon, na ilang ulit nang nakatrabaho ni Direk Mendoza.

Nagkaroon ng world premiere ang pelikula nila noong 5 Oktubre 2019 sa ika-24 na Busan International Film Festival (BIFF) sa Busan, South Korea. Kabilang ang Mindanao sa Icons, isang newly established section sa BIFF na itinatampok ang pinakabagong pelikulang gawa ng iconic filmmakers mula sa buong mundo.

Ang Mindanao ay tungkol sa kuwento ni Saima (Judy Ann Santos), isang inang nag-aalaga sa cancer-stricken niyang anak na si Aisa (Yuna Tangog) at sa asawa niyang si Malang (Allen Dizon), isang combat medic na deployed sa isang civil conflict laban sa mga rebelde.

Para suportahan ang Filipino filmmakers at pelikulang Filipino sa pagpasok sa global arena, ipinagpatuloy ng FDCP ang pangunguna sa partisipasyon ng Philippine Delegation sa BIFF ngayong taon pagkatapos nitong pangunahan ang Filipinas bilang Country of Focus noong 2018.

Bukod rito, pinuri ang Mindanao para sa pagpukaw ng damdamin ng mga manonood. Pinabilib din ng aktres na si Santos ang audience sa kanyang acting performance. Ang BIFF ang una niyang red carpet experience sa isang international film festival. Ayon sa isang Screen Daily film review, ”This is not a film which leaves any emotional button unpushed. And indeed, the film features a third act of such levels of crass contrivance that it rather undermines the emotional impact of loss of life. Throughout all this, Santos retains grace and dignity with a performance which is a class apart from the rest of the picture.”

Ipapalabas din ang Mindanao sa ilalim ng World Focus Powered by Aniplex Inc., section ng ika-32 na Tokyo International Film Festival (TIFF) na gaganapin mula 28 Oktubre hanggang 5 Nobyembre 2019 sa Tokyo, Japan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *