Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo, pinasalamatan si Maine sa acceptance speech
Arjo, pinasalamatan si Maine sa acceptance speech

Arjo, pinasalamatan si Maine sa acceptance speech

SI Arjo Atayde naman ang itinanghal bilang Best Drama Supporting Actor para sa role niya bilang isang autistic sa The General’s Daughter na pinagbidahan ni Angel Locsin.

Teary eyed si Arjo sa kanyang acceptance speech. Sabi niya, “I’m shaking right now and really shy. I remain a student in this series. I thank all the cast who helped me.”

Tinapos ni Arjo ang kanyang speech sa pamamagitan ng pagpapasalamat  sa girlfriend niyang si Maine Mendoza.

“Last but not the least, thank you, Maine, for always being an inspiration to me.”

Si Maine ang itinanghal na Best Comedy Actress para sa sitcom nilang Daddy’s Gurl. Pero hindi ito nakarating sa event. Na ayon kay Arjo, nasa shooting ang dalaga nang tinanong namin siya kung nasaan si Maine.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top