Friday , November 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Manay Sandra Cam seryosong naghain ng libel case vs Mrs Yuzon et al
Manay Sandra Cam seryosong naghain ng libel case vs Mrs Yuzon et al

Manay Sandra Cam seryosong naghain ng libel case vs Mrs Yuzon et al

MUKHANG ang paghahain ng kasong libel ni PCSO director Sandra Cam ay babala maging sa kanyang bashers at umano’y detractors.

Kaya agad sinampolan ng libel ang misis ng pinaslang na Batuan, Masbate vice mayor Charlie Yuzon III at mga media entity na aniya’y nagbanggit sa kanyang pangalan at iniugnay sa insidente.

Anyway, karapatan ng bawat indibiduwal ang pagsasampa ng kasong libel. Pero sa isang gaya ni Manay Sandra, ang hakbanging ito ay masyadong maabala.             

Mula sa piskalya kung maiaakyat man sa korte ay magkakaroon pa muna ng raffle kung saang branch babagsak.

At kapag nagkaroon na ng hearing, siya ang unang mako-cross examine. Kumbaga mabubu­yayangyang ang kanyang privacy depende sa husay at expertise ng prosecution at defense.

At bukod sa gastos, malaking abala pa.

Anyway, it’s Manay Sandra’s rights and her choice, so be it.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top