Friday , November 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vice Ganda, aligaga sa MMFF
Vice Ganda, aligaga sa MMFF

Vice Ganda, aligaga sa MMFF

TIYAK na in fighting spirit ngayon si Vice Ganda sa preparasyon ng kanyang movie entry sa Metro Manila Film Festival 2019. Tiyak din na panlaban to-the-max ang inihahanda nitong pelikula dahil marami siyang mga artistang isinama.

Kasama ni Vice si Anne Curtis at marami pang iba.

Makakalaban muli ni Vice ang pelikula ni Vic Sotto gayundin ng kay Coco Martin.

Ukol sa pagiging aligaga ni Vice sa kanyang entry sa MMFF 2019, hindi iyon maaalis sa kanya dahil kasama sa Top Ten Highest Grossing Movies Of All Time ang kan­yang mga pe­liku­lang Su­per­parental Guidance, Fantastica, Gandarapiddo; The Revenge Squad, Beauty, The Beastie, Amazing Private Benjamin, at ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Sa kabilang banda, ayaw naming pangunahan pero nakatitiyak na ang movie muli ni Vice ang mangunguna sa MMFF 2019 dahil always a second or third lang naman ang movie nina Bossing Vic at Coco.

But let’s wait muna kasi may movie noon si Vice Ganda sa pestival na pinanood namin pagkatapos ng pestibal dahil ‘di na kami nag-eenjoy. Meaning, kailangan nito ng bagong putahe o gimmik para hindi pagsawaan.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top