Friday , November 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah at Daniel movie, itutuloy pa rin
Sarah at Daniel movie, itutuloy pa rin

Sarah at Daniel movie, itutuloy pa rin

NARINIG namin noon ang pagsasama sana sa isang pelikula nina Sarah Geronimo at Daniel Padilla. Ang sabe, base ito sa paghakot ng milyones ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Subalit parang na-shelve ito bigla dahil mas inuna ni Sarah na gumawa ng pelikula na kasama ang isang aso. Pero huwag daw mawalan ng pag-asa ang mga umaasang magsasama sina Sarah at Daniel dahil matutuloy pa rin ang proyekto, naghihintay lamang sila ng tamang material.

Abala ngayon si Sarah sa promo ng Unforgettable kasama si Milo, ang isang trained dog na nakalabas na rin sa ibang pelikula at TV shows.

Masaya si Sarah sa pangyayari dahil liberating ang kanyang pakiramdam na hindi nakadepende sa isang leading man ang kanyang movie.

In real life, talagang mahilig sa aso si Sarah na kahit tumanda itong mag-isa ay mabubuhay basta kasama ang aso.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top