Thursday , November 14 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Pasya ni Albayalde tanggap ng Palasyo

Pasya ni Albayalde tanggap ng Palasyo

IGINAGALANG ng Palasyo ang pasya ni General Oscar Albayalde na magbitiw bilang hepe ng Philippine National Police (PNP).

“The Palace respects the decision of Philippine National Police (PNP) General Oscar Albayalde to go on a non-duty status (NDS) ahead of his retire­ment on November 8, 2019,” ayon kay Pre­si­den­tial Spokesman Salvador Panelo.

Ang non-duty status aniya ay isang pribelehiyo at boluntaryong ginaga­wa alinsunod sa guide­lines ng National Police Commission (Napolcom).

“We wish General Albayalde all the best in his future undertakings as we express our sincere gratitude to the former PNP Chief for his services to this Administration, the nation and to the people,” ani Panelo.

ni ROSE NOVENARIO

HEARSAYS HUWAG
GAMITIN SA ASUNTO

NAGBABALA si Presi­dential Spokesman Salva­dor Panelo sa isang sena­dor na kasama sa nag-iimbestiga sa isyu ng “ninja cops” na posibleng magkaroon ng problema dahil sa pagbibigay ng konklusyon kahit hindi pa tapos ang pagsisi­yasat.

“Mawalang-galang na rin sa ibang senador. Alam mo pag nag-iim­bes­tiga ka ‘wag ka munang magsalita na guilty o ang ebidensiya ay malakas. Hayaan mo na muna sanang matapos at saka ka gumawa ng reko­mendasyon. Otherwise, e may problema ka talaga, pare-pareho kayong mag­kakaproblema,” ani Panelo.

Tinawag ni Panelo na hearsay ang testimonya ni dating Criminal Inves­tigation and Detection Group (CIDG) chief at ngayo’y Baguio City Mayor Benjamin Maga­long na nag-uugnay kay resigned PNP chief Gene­ral Oscar Albayalde sa drug recycling.

“Iyon namang kay Mayor Magalong, with due respect to you, e ang naririnig ko rin kasi, parang hearsay din, pa­rang hindi personal know­ledge e, hindi rin papasok sa hukuman iyon. Iyon ang nagiging problema niyan,” ani Panelo.

Dagdag ni Panelo, mahina ang testimonya ni retired police general Rudy Lacadin dahil hindi sigurado kung seryoso o biro ang pag-amin ni Albayalde sa kanya na nakinabang nang konti sa drug recycling noong 2013 sa Pampanga.

Gayonman, tiniyak ni Panelo, bukas ang Pala­syo sa maibibigay na impormasyon ng publiko hinggil sa pagkatao ng mga opisyal ng gobyerno.

“Aba, hindi lang hihimukin, ‘di ba palaging sinasabi ni Presidente ‘assert yourself, gumawa kayo ng gulo, makara­rating sa akin iyan, mag­pa­kita kayo sa akin, mag­reklamo kayo, guluhin n’yo, manampal kayo para malaman ko kaa­gad,’ ‘di ba. Si Presidente mismo ang nag-e-encourage e,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

PAGBIBITIW
NI ALBAYALDE
IKINATUWA
NG SOLON

NATUWA si Agusan del Norte Rep. Lawrence For­tun sa pagbibitiw ni PNP chief Oscar Albayalde.

Ani Fortun, ang pana­natili ni Albayalde sa posisyon ay makasisira sa institusyon ng pulisya.

“While he may be presumed innocent until proven otherwise, his continued stay as PNP chief will not do the whole institution any good,” ani Fortun.

Aniya, kailangan uma­lis sa puwesto si Albayalde upang maiwa­san ang impluwensiya sa ginagawang imbes­tiga­syon.

“First, he has to relinquish such powerful and influential position in order to pave the way for a speedy and impartial investigation on these extremely disturbing issues hounding the PNP,” giit ni Fortun.

Paliwanag ng kongre­sista, sa gitna ng lahat ng eskandalong bumabalot sa hepe ng pulisya, hindi na siya magiging epektibo sa kanyang trabaho.

“With all of these investigations confronting him, his focus and con­centration are already greatly compromised,” ayon kay Fortun.

Aniya, hindi makatu­tulong sa isang malaking organisasyon na mag­karoon ng hepe na naha­harap sa malaking eskan­dalo kagaya nitong droga.

Sa panig ni Rep. Elpidio Barzaga ng Das­ma­riñas Cavite, ang pag­dinig sa Senado ay nag­dulot ng maling pagdama na guilty si Albayalde.

“There is a con­s­titu­tional presumption of innocence and this applies to General Oscar Alba­yal­de. However, the ongoing back-to-back Senate hearings including media reports have already created a public percep­tion that General Albayal­de is guilty,” paliwanag ni Barzaga.

Napasama pa, aniya, ang sitwasyon ni Albayal­de dahil sa testimonya nina dating General Benja­min Magalong at General Rudy Lacadin. Si Maga­long ay kasalukuyang mayor ng Baguio City.

(GERRY BALDO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top