Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Showdown nina Imelda Papin at LA Santos ng “Isang Linggong Pag-ibig” isa sa highlights ng [email protected] anniv concert sa Philippine Arena
Showdown nina Imelda Papin at LA Santos ng “Isang Linggong Pag-ibig” isa sa highlights ng Queen@45  anniv concert sa Philippine Arena

Showdown nina Imelda Papin at LA Santos ng “Isang Linggong Pag-ibig” isa sa highlights ng [email protected] anniv concert sa Philippine Arena

KAHIT na narating na ni Vice Governor Imelda Papin ang tugatog ng tagumpay sa kanyang singing career at ngayo’y isa nang Vice Governor sa Camarines Sur ay never siyang nakalimot sa entertainment press especially sa mga matagal nang close sa kanya.

Kaya naman sa ipinatawag nilang mediacon ni Madam Flor Santos ng Dream Wings Production sa MESA Resto na pag-aari ni Madam Flor ay walang katapusan ang pasasalamat ni Imelda sa mga dumalo sa kanyang presscon. Utang na loob raw niya ang kasikatan niya sa press at sa dating manager na si Junne Quintana na tinawag pa niya sa presidential table para mag-join sa kanila.

Well, bibihira ang katulad ni VG Mel na marunong magpahalaga sa press kaya kita naman ninyo ang staying power ng kanyang career, at umabot na siya nang 45 years sa industry. At bilang selebrasyon sa apat na dekada at limang taon sa showbiz, at pasasalamat na rin sa lahat ng kanyang mga tagahanga ay may anniversary concert si Imelda na “[email protected]” sa Philippine Arena at sobrang dami ng kanyang special guests rito na lahat ay sumikat sa mundo ng recording. Magpe-perform rin si Mel ka­sa­ma ang mga ka­patid na sina Gloria Belen at Aileen Papin at may duet sila rito ng unica ija niyang si Maffi Papin.

Siyempre hindi kompleto ang concert kung wala ang dalawa sa kontemporanyo ng singer-politician na sina Claire dela Fuente at Eva Eugenio at ngayon pa lang ay excited na ang lahat sa kakantahin ng tatlo mula sa kanilang mga pumatok na kanta na naging paborito ng nakararami.

We heard na isa raw sa highlight ng concert ang showdown nina Imelda at anak-anakan niyang Singing Idol recording artist na si LA Santos para sa “Isang Linggong Pag-ibig” na binigyan ni LA ng millennial touch. Nang tanungin namin si LA tungkol sa showdown nilang ito ng kanyang Tita Imelda, ay mayroon daw talaga silang number pero surprise daw ito at abangan na lang ng concertgoers.

Sobrang love nina Imelda at Eva itong si LA, paano napakabait at humble raw ang bata at very professional. At good news, as of presstime ay halos sold out na ang tickets para sa malaking concert ni Imelda ngayong taon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top