Tuesday , November 12 2019
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Non stop’ ang clearing sa Manila — Yorme Isko
‘Non stop’ ang clearing sa Manila — Yorme Isko

‘Non stop’ ang clearing sa Manila — Yorme Isko

TULOY-TULOY ang road clearing operations sa Maynila sa kabila ng pagtatapos ng 60-day deadline na ibinigay ng Department of Interior and Local Government (DILG)  sa lahat ng lokal na pamahalaan.

Una nang binigyan ni DILG Secretary Eduardo Año ng gradong “high compliance” si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa isinagawa nilang clearing  operation sa Lungsod.

Inamin ni Mayor Isko, hindi nila kayang linisin ang Maynila sa loob ng 60 araw, pero tiniyak niya na magpapatuloy ang kanilang clearing opera­tions hanggang maayos lahat ng sidewalks.

Kahapon ay nagsa­gawa ng clearing ang  Manila Department of Public Safety at Enginee­ring Office  sa kahabaan ng Dapitan St.,Tondo.

Gayondin sa Dagonoy Market at Quezon Bou­levad para alisin ang obstructions sa kalye.

Matatandaan, kasabay ng kanyang 100 days sa panunungkulan, nilag­daan ni Moreno ang Exe­cutive Order No. 43 para obligahin na magkaroon ng lingguhang clearing operations ang mga barangay.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top