Saturday , August 15 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nadine at James, nagkanya-kanya na; Pagsasama sa isang show, malabo na
Nadine at James, nagkanya-kanya na; Pagsasama sa isang show, malabo na

Nadine at James, nagkanya-kanya na; Pagsasama sa isang show, malabo na

MUKHANG malabong matupad ang request ng mga tagahanga nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) na magkasama ang kanilang mga idolo sa isang teleserye o show sa Kapamilya Network, dahil nagkanya-kanya na sila.

Si James ay gagawa ng serye sa  Dreamscape Entertainment kasama ang pinakasikat na Momoland member na si Nancy McDonie na Soulmate na ididirehe ni Antoinette Jadaone.

Paboritong director ni James si Direk Antoinette na dalawang teleserye na ang pinagsamahan nila with Nadine, ang On the Wings of Love noong 2015 at Till I Met You taong 2016, bukod pa sa blockbuster movie nilang, Never Not Love You noong 2018.

Habang magiging judge naman si Nadine sa bagong talent search ng ABS-CBN, ang Your Moment kasama sina Billy Crawford at Boy Abunda na papalit sa The Voice Kids.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top